BISTADOR ni RUDY SIM
SINO kaya itong isang mataas na opisyal ng Bureau of Immigration na kahit takot magulpi ng kanyang misis ay nakalulusot pa rin sa kanyang taglay na kamanyakan?
Ayon sa ating minions na umaaligid sa bawat sulok ng BI office, ay putok na putok ang palagiang close door umano nila ng kanyang chubby at cute na staff? Hmm… eh dumi talaga ng isip ng aking minions, malay mo naman baka naglalaro lamang sila ng sungka…
Bueno mga kabubwit, ang opisyal umano ng BI na itatago na lamang natin sa pangalang “Mang Kanor”, dahil sa takot umano sa kanyang kumander in chief ay may nakatagong kababalaghan ang kanyang tanggapan na sa tuwing hapon, bago mag-uwian ay kapansin-pansin ang kanyang sekretarya na mukhang balyena na tinitingnan muna kung cleared na ang paligid bago bigyan ng signal ang kanyang boss at ang bebot ni Sir, na itatago natin sa pangalang alias “Tisay”, na naririnig umanong parang tila ikaw ay nanonood ng X-rated.
Mula sa dating OJT, si alias Tisay na pumasa sa panlasa nitong si Mang Kanor, ay naging job order employee na sa tanggapan nito na ang tanging trabaho lamang umano ay makipagyugyugan blues kapag umepek na ang maintenance ni Sir, upang tumayo… ang alin? Ang flagpole ng BI…, kayo naman talaga!
Kahit matalas ang pang-amoy umano ni Misis ay nakalulusot pa rin itong si Mang Kanor. Sino ba naman ang mag-aakalang papatulan ni Sir ang kanyang sekretaryang mukhang takot sa tubig na laging nagmamantika… Kamusta na kaya ang isa natin kaibigan na mahilig makipag-selfie kay Alice? Kaya pala ang mga janitor dito sa BI ay hindi nauubusan ng supply ng insecticide dahil lalong dumarami ang iba’t ibang species ng mga ipis… mayroon pa nga raw kakaibang uri ng ipis ngayon na mayroong badge?
Sabagay nga naman kung mag-Sogo itong si Sir kasama si Tisay ay siguradong buking ito kay Misis dahil bantay-sarado ang kanyang office hours at kapag sinabing uwi sa isang sitsit ay sunod naman agad ang nasabing opisyal… Pero teka, ilang taon pa ba bago magretiro itong si Mang Kanor?
Usap-usapan din ngayon ang gantimpalang natanggap nitong si Sir dahil sa kanyang galing sa pag-supply kay Kume ng pagkakaperahan kaya busog to the max ang mga kumag, habang ang Malacañang ay namimili pa kung sinong matinong opisyal ang ipapalit sakaling mawala bilang kalihim ng DOJ itong si Boying Remulla.
Naalala ko tuloy ang Hokage moves nitong si Manong Chavit na tila naging idolo nitong si Mang Kanor ng BI, sa pangmamanyak ng OJT na kapag nagustuhan ay pasok ka, hindi lang bilang JO kundi regular na, at ang gobyerno ang nagpapasuweldo sa kamanyakan dito ni Sir, at nang ilang opisyales ng ahensya na matagal nang ginagawang bembangan ang kanilang opisina.
(Ang mga ipinapahayag sa kolum na ito ay sariling opinyon ng sumulat at hindi saloobin ng pahayagang SAKSI Ngayon – Patnugot)
