BERNARDO AT GUTEZA: SINO MAS KAPANI-PANIWALA?

CLICKBAIT ni JO BARLIZO

SA gitna ng kaliwa’t kanang imbestigasyon sa mga anomalya sa flood control projects, maraming lumulutang na pangalan. Dalawa rito sina dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo at dating Marine Orly Regala Guteza — parehong tumestigo sa Senado, pero magkaibang-magkaiba ang tindig at tapang.

Si Bernardo, ayon sa mga insider, ay hindi lang daw basta nakinabang sa mga “kickback.” Siya pa umano ang utak sa tinatawag na “key card culture” sa DPWH — isang eksklusibong grupo ng mga opisyal at kontratista na may espesyal na “access” hindi lang sa mga proyekto, kundi pati sa kaligayahang lampas opisina. May mga kuwento pang ginagamit ang key card hindi lang sa mga meeting room, kundi pati sa private parties at junket trips na punong-puno ng luho at laman.

Ngayon, habang puspusan ang imbestigasyon ng Independent Commission on Infrastructure (ICI), dalawang beses nang nagpa-postpone si Bernardo ng pagharap sa Senado. Una raw dahil kulang sa dokumento, ngayon naman dahil may “medical condition.” Pero sabi nga ng mga netizen, “‘Pag inosente, harap agad. ‘Pag guilty, may hospital procedure agad.”

Sa kabilang banda, si Orly Guteza, ang dating Marine, ay walang takot na humarap sa Senado. Detalyado niyang ikinuwento kung paano niya personal na dinala ang maletang puno ng pera sa mga bahay nina Rep. Zaldy Co at Speaker Martin Romualdez. Kumpleto sa petsa, lugar, at pangalan — walang paligoy-ligoy. Pero imbes na kilalanin bilang whistleblower, siya pa ngayon ang sinisiraan, binabantayan, at tila gusto pang patahimikin. Ayon sa mga balita, kinukupkop siya ngayon ng mga kapwa marino para matiyak ang kanyang kaligtasan.

Kaya tanong ng bayan: Sino ba talaga ang dapat paniwalaan?

Ang opisyal na dawit sa mga “key card” at kalokohan sa ahensya? O ang sundalong walang takot na nagsiwalat ng katotohanan?

Sa huli, iisa lang naman ang sigaw ng bayan. Humarap ang lahat ng sangkot sa kontrobersya at parusahan.

19

Related posts

Leave a Comment