MAKIKIPAGTULUNGAN ang Bureau of Immigration (BI) sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center, upang masawata ang cybercrimes o mga krimen na maaaring mangyari sa loob at labas ng mga paliparan.
Ayon kay Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco, ang layunin nito ay upang ma-establish o ma-formalized ang cybercrime hubs sa major ports at maging sa kanilang opisina.
Upang maisakatuparan ang hakbang na ito, pinagtibay ng dalawang ahensiya ng pamahalaan ang kasunduan noong Nobyembre 15.
Matatandaan, ang CICC ang nangunguna o lead coordinating agency ng pamahalaan para masawata ang cybercrimes sa bansa.
Nakapaloob sa nasabing kasunduan na ang BI ay magbibigay ng ‘assistance’ sa gagawing imbestigasyon ng CICC sa cybercrime and fraud na kinasasangkutan ng foreign nationals. (FROILAN MORALLOS)
178