POSIBLENG masibak sa serbisyo ang mga pulis na overweight kapag hindi nito nakuha ang isang taon na palugit ni PNP chief General Nicolas Torre III, na magpapayat.
Sinabi ni Torre na isa ito sa general qualifications upang maging miyembro ng PNP. Kinakailangang hindi ka lalagpas o kukulangin sa 5 kilong timbang depende sa iyong body weight, tangkad at edad.
Sa ilalim ng PNP regulation, ang isang pulis ay bibigyan ng anim na buwan hanggang isang taon para maging normal ang timbang hanggang sa makuha ang kanyang standard weight.
Paglilinaw ni Torre, sa may mga kondisyong medical naman ay ililipat sila sa administration work.
Matatandaan na sinabi ni Torre na hindi maaaring ma-promote o mag-schooling ang isang overweight na pulis at maaari pa silang masibak sa serbisyo sakaling hindi nila makamit ang kanilang body weight.
(TOTO NABAJA)
