Bigo sa ambisyosong 1M housing kada taon MARCOS ADMIN SABLAY SA PABAHAY

SUMABLAY ang Malakanyang sa proyekto nitong pabahay nang hindi nito maabot ang target na isang milyong housing units kada taon.

Ang katwiran ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang ay dahil maliit ang presyo na ibinibigay sa taumbayan para i-avail ang housing unit kaya iyong ibang contractors aniya ay hindi sumasali o sumasama sa ganitong klaseng proyekto.

Bukod pa sa kaunti na lamang aniya ang mga developer.

Bukod dito, mayroon pa aniyang causes of delays katulad ng “processing and release of development loans for private contractors; permitting or due diligence process on sites suitability and land ownership; mayroon din po nagkakaroon din po ng problema or issue tungkol sa pagpapatayo because it seems that there is longer construction period for vertical housing – at least 10 months average for walk-up – four-storey buildings pa lang po iyon; at iyon pong capacity to borrow or avail of the development loan of private contractors at ito po ay ibibigay nang napakamura po sa ating mga kababayan kaya po kakaunti lamang po na mga contractors at developers ang sumasali sa proyektong ito.”

“So, ito po ay mga issues na hindi po ninanais ng administrasyon but katulad ng sinabi ni PBBM, ng ating Pangulo:”We aim one million houses a year and we will try very, very hard.” aniya pa rin.

Sinabi pa ni Castro na ang gobyerno sa pamamagitan ng Department of Human Settlements and Urban Development, kasalukuyang may 90 na nagpapatuloy na proyekto sa buong bansa, na may 82 na nasa pre production phase at 436 karagdagang naghihintay ng approval.

Ang mga kumpletong proyekto aniya ay nagresulta ng 259,365 housing units simula nang mag-umpisa ang termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na malayo sa target ng gobyerno na isang milyong housing units kada taon.

(CHRISTIAN DALE)

62

Related posts

Leave a Comment