BIGTIME DRUG TRAFFICKER TIMBOG SA P122-M SHABU

NASAKOTE sa drugs buy-bust operation ang isang hinihinalang bigtime drug trafficker at nakumpiska ang tinatayang P122.4 milyong halaga ng umano’y shabu sa Block 8, Lot 1, PNB Homes, BF Resort, Brgy. Talon Dos, Las Piñas City noong Martes ng hapon.

Ang suspek na kinilalang si Moses Joshua Esguerra, 23, ay nadakip ng magkasanib na pwersa ng PDEA RO-NCR Southern District Office, RSET 1, RSET 2, PDEA IIS, PDEA SES kasama ang ISAFP-AFP, NICA, NCRPO-RID, SPD-DID, SPD-DDEU at Las Piñas City Police.

Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang isang kilo ng shabu na tinatayang P6.8 milyon ang halaga (subject of sale), gayundin ang karagdagang 17 kilo ng shabu (possession) na may presyong P115 milyon, buy-bust money at isang cellphone.

Sasampahan ang suspek ng kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). (DAVE MEDINA)

114

Related posts

Leave a Comment