Biktima ng mistaken identity DATING KONSEHAL NANGANGAMBA SA KALIGTASAN

NANGANGAMBA ang isang dating konsehal para sa kanyang kaligtasan matapos umano siyang tukuyin sa isang programa sa telebisyon.

Umalma ang negosyanteng si Melchor Tayag sa maling pagre-report umano ng programa ni Erwin Tulfo matapos mapanood na ipinakita ang kanyang larawan at tukuyin na siya ang Filipino-Chinese na na si “Irwin Chua” na nagmamay-ari ng Real Steel Corporation sa San Simon, Pampanga na kasalukuyang iniimbestigahan ng Department of Labor and Employement (DOLE).

Ayon kay Tayag, ang larawan niya na ipinakita sa programa ni Tulfo ay kuha tatlong taon na ang nakalipas sa session hall ng San Simon.

Ayon pa sa negosyante na dati ring MENRO chief.. “It’s a big mistake. That photo is me and not Erwin Chua. Now, I and my family fear for my safety because of the mistaken identity,” ani Tayag.

Dagdag pa nito, ang mga taong kasama umano niya sa litratong inere ni Tulfo sa telebisyon ay hindi ang mga nagrereklamong empleyado sa Real Steel.

Nangangamba si Tayag sa kanyang seguridad dahil kung may mga taong galit at nais gawan ng masama si Chua ay siya ang mapagkakamalan ng mga ito dahil sa pagkakalathala ng kanyang larawan.

Nakatakda namang sampahan ng kaso ni Tayag si Tulfo.

Nabatid na nahaharap sa imbestigasyon ng DOLE ang Real Steel Corporation makaraang magreklamo ang 42 trabahador nito na hindi umao pinalabas ng 6 buwan sa planta at pagmamaltrato sa kanila ng ilang Intsik kabilang na si Irwin Chua.

Samantala, mariin naman itinanggi ng pamunuan ng Real Steel Corporation ang mga alegasyon ng kanilang mga manggagawa at bukas ang kanilang tanggapan sa anomang imbestigasyon.

Ayon kay Melodie Arellano, general manager ng Real Steel, kung kilala talaga ng 42 complaining workers ng nabanggit na kumpanya si Chua bakit aniya mali ang litratong ibinigay ng mga ito kay Tulfo.

“How could Sir Tulfo believe the other complaints of the workers when they don’t even know how Mr. Chua looks?,” aniArellano. (ELOISA SILVERIO)

193

Related posts

Leave a Comment