ARESTADO ang lima katao sa ikinasang Flagship Projects OPLAN OLEA and SALIKOP ng PNP Criminal Investigation and Detection Group dahil sa pagkakasangkot sa cybersex operation sa Heroes Del 96, Caloocan City noong Martes ng hapon.
Ayon sa ulat na isinumite ni CIDG-RFU-NCR Director Police Colonel Randy Glenn Silvio kay PNP-CIDG Chief, Police Maj. General Eliseo DC Cruz, kinilala ang mga suspek na sina Carlos Carpio y Aquino alyas “Carla”, 25, gay; John Vincent Angeles y Agulto, 10, gay; Michael Legazpi, 18, gay; Joel Pascual, 24, gay; at Marc Ryan Carpio y Aquino, 26.
Ang operasyon ay isinagawa mula sa impormasyon ng isang complainant na ang kanyang kaibigan na si John Jover Pasig ay ikinulong sa bahay ni Carlos at sapilitang pinagtrabaho sa cybersex operation bilang kabayaran sa kanyang pagkakautang.
Bunsod nito, agad nagkasa ng rescue operation ang mga operatiba ng CIDG NDFU (lead unit) at iba pang operating units, kasama ang complainant sa #465 Interior 3, Heroes Del 96, Caloocan City.
Pagdating sa bahay ni Carlos, positibong kinilala ng complainant ang kanyang kaibigan na sinasabi niyang ilegal na ikinulong at sapilitang pinagtrabaho sa cybersex den.
Mabilis namang tumakbo ang biktima at humingi ng tulong sa mga awtoridad.
Sinagip ng mga operatiba ang biktima at pinasok ang bahay kung saan nahuli sa akto ang ilang kalalakihan (gays) na hubo’t hubad at nagsasagawa ng perverted and indecent acts sa harap ng personal computers na may webcam.
Nakumpirmang ang nasabing cybersex den ay ino-operate ng isa sa mga suspek na si Carlos.
Nakumpiska ng mga awtoridad sa nasabing cybersex den ang 2 sets ng personal desktop computers; 1 pc ng 32′ colored monitor (Aquos); 2 pcs. ng Dildo (sex toys); isang bote ng liquid lubricant; isang piraso ng wearable fake silicone breast; 14 pcs. ng assorted condoms; 4 pcs. ng assorted colored hair wigs, at assorted sexy costumes/clothing.
Inihahanda na ang paghahain ng kasong paglabag sa RA 9208 (Anti-Trafficking in Person); RA 10175 (Anti-Cybercrime Law), Art. 268 (Slight Illegal Detention) at Art. 201 (Immoral Doctrines, Obscene Publications and Exhibitions and Indecent Shows) ng RPC, laban sa mga suspek. (FRANCIS SORIANO)
