SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ‘relatively low’ na ang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Naniniwala kasi ang Chief Executive na nahihirapan ang virus na maka-survive sa mataas na temperatura na nararanasan ngayon sa bansa.
“Come to think of it really, mababa ang ano (cases) natin. They said that itong coronang ito has a hard time surviving in a high temperature. So pagka gano’n, maybe that explains the reason why na hindi naman masyadong marami,” ayon sa Punong Ehekutibo.
Sa ulat, ang Department of Health (DOH) ay nakapagtala ng 9,485 kaso na may 1,315 recoveries at 623 death.
Ang Pilipinas ay mayroong third-highest number ng COVID-19 cases sa buong Southeast
Asia kasunod ng Singapore at Indonesia na mayroong mahigit 18,000 at 11,000minfections.
Matatandaang, sinabi ng DOH na wala silang sapat na ebidensiya na magpapatunay namang panahon o klima ay makaaapekto sa COVID-19 transmission.
“Sa ngayon po wala tayong ginagamit na ganyang pamantayan,” ang paliwanag ni HealthmUndersecretary Maria Rosario Vergeire.
Samantala, hinikayat naman ni Pangulong Duterte ang publiko na magsuot ng face masks kapag umaalis ng bahay.
“Wear a mask because if not, kung magsabay-sabay, then we will have an overload… So just cooperate kasi wala naman kaming hangarin dito na pahirapan kayo,” ayon sa Pangulo.
“We are trying to figure out how we can ease up the miseries that have been imposed on us,” dagdag na pahayag ng Punong Ehekutibo. CHRISTIAN DALE
251
