BINATILYONG MOST WANTED SA RAPE, TIKLO

ARESTADO ang isang binatilyo na itinuturing na most wanted person sa kasong rape, sa isinagawang operasyon ng mga tauhan ng Eastern Police District (EPD) sa Brgy. Bagong Ilog, Pasig City noong Pebrero 25, 2025.

Ayon sa ulat na nakarating kay PCol. Villamor Tuliao, district director ng EPD, kinilala ang suspek na si alyas “LCD,” 16-anyos, may kasong 2 counts ng statutory rape sa ilalim ng Article 266-A ng Revised Penal Code may kaugnayan sa Section 5 ng R.A. 8369.

Sinabi pa ni Tuliao, inihain ng mga operatiba sa suspek ang ‘order to take custody’ na inisyu ni Presiding Judge Rainelda Estacio-Montesa ng Regional Trial Court (RTC) Branch 159, National Capital Judicial Region, Pasig City na may petsang Pebrero 19, 2025.

Batay sa imbestigasyon, unang hinalay ng suspek ang 14-anyos na kapatid na babae ng kanyang kaibigang lalaki noong taong 2023 at muling naulit hanggang sa nabuntis nito ang biktima.

Dito na umano nag-alburuto ang mga kapamilya sa sinapit ng biktima kaya agad nagsuplong sa pulisya hanggang sa iniutos ng korte na hanapin at hulihin ang suspek.

“Sobrang nakalulungkot at nakababahala ang mga ganitong kaso dahil halos mga kabataan ang nasasangkot sa ganitong krimen—sexual violence and abuse,” pahayag ni Tuliao.

Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Bahay Kanlungan na pinangangasiwaan ng City Social Welfare Department (CSWD) at pinatatakbo ng lokal na pamahalaan ng Pasig. (NEP CASTILLO)

39

Related posts

Leave a Comment