NAKAHINGA na nang maluwag sina Senador Nancy Binay at Sherwin Gatchalian matapos matiyak na kapwa sila negatibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) alinsunod sa pagsusuri ng Department of Health (DOH).
Ang pagsusuri ay dahil “nakaharap” ng mga nasabing senador ang isang opisyal ng pamahalaan na positibo sa virus nitong Marso 5 sa isang pagdinig sa Senado.
Sa magkakahiwalay na pahayag, sinabi nina Senador Nancy Binay at Sherwin “Win” Gatchalian na ibinalita sa kanila ni Health Secretary Francisco Duque na pawing negatibo ang pagsusuri sa kanila ng ahensiya.
“This morning, Department of Health Secretary Franciso Duque III confirmed that I have been TESTED NEGATIVE for COVID-19,” ayon kay Binay.
Sinabi naman ni Gatchalian na tinatapos na niya ang self-quarantine matapos mapag- alaman din kay Duque na negatibo siya sa virus.
“After submitting myself to a COVID-19 test last Friday, I’m happy to hear from the pronouncements made by Health Secretary Francisco Duque over DZMM Teleradyo just this morning that I tested negative for the disease. Thus, I’m ending my self-quarantine,” giit ni Gatchalian.
Nagpasalamat naman si Binay sa lahat ng nagpadala ng encouraging messages at hindi matawarang suporta, pagmamahal at dasal mula sa lahat pero kanyang itutuloy ang self-quarantine.
“I will still continue with my 14-day quarantine. Hindi pa po tapos ang laban natin kontra sa COVID-19, and we don’t want to have a false sense of security, kung kaya hinihikayat pa rin natin ang lahat na huwag na munang lumabas sa kanilang mga bahay, mag-practice ng social distancing, at ugaliing maghugas ng kamay for 20 seconds,” ayon sa mambabatas.
Aniya, masyadong seryosong bagay ang COVID-19, kaya dapat magsagawa ng precautionary measures upang protektahan ang sarili para sa kapakanan ng ating pamilya at lahat.
“Muli, maraming salamat po sa inyong mga dasal. With God’s grace, we will all get through these dire times,” ayon kay Binay.
Kaugnay nito, tiniyak naman ni Gatchalian na ipagpapatuloy ng kanyang tanggapan ang tungkulin alinsunod sa itinakdang alituntunin at protocol na nakapaloob sa enhanced community quarantine.
“I would like to express my heartfelt gratitude to the team of the Department of Health who facilitated the test,” aniya. Estong Reyes
196 