Binuong anti-smuggling task force tagumpay 81K LITRO NG SMUGGLED FUEL NAKUMPISKA

NAGBUNGA ang binuong Anti-fuel Smuggling Task Force ng apat na ahensya ng gobyerno matapos makahuli ng 81,000 litro ng mga produktong petrolyo,

Ayon sa pagdinig ng House Committee on Ways and Means na pinamumunuan ni Albay Rep. Joey Salceda, iniulat ng Bureau of Customs (BOC) ang kanilang nahuling smuggled oil products mula noong Pebrero.

Ang nasabing task force ay pinangunahan ng BOC kasama ang Bureau of Internal Revenue (BIR), Department of Energy (DOE), Philippine Coast Guard (PCG) at National Bureau of Investigation (NBI).

Binuo ang Fuel Integrity and Field Testing (FIFT) Task Force matapos itong irekomenda ng nasabing komite para lutasin ang fuel smuggling partikular ang tinatawag na “paihi” dahil sa epekto nito sa ekonomiya ng bansa.

Kabilang umano sa nahuli ay ang 79,740.80 litro ng diesel, 2,016 litro ng kerosene at 2 unit ng tank trucks kaya kahit papaano ay napilay umano ang operasyon ng smugglers. (BERNARD TAGUINOD)

118

Related posts

Leave a Comment