APRUBADO na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang House Bill 8469 o Oil Price Stabilization Act na magbibigay kapangyarihan kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pansamantalang ihinto ang biofuel blending.
Sa botong 209-5, pinayagan ang suspensyon kung lalampas ng 5% ang presyo ng blended fuel kumpara sa pure fuel.
Ayon kay Palawan Rep. Jose Alvarez, hindi ito pagtalikod sa renewable energy kundi agarang ayuda sa drivers, magsasaka at mangingisda.
Sinertipikahang urgent ng Pangulo ang panukala pati ang counterpart nitong Senate Bill 1965.
Sa ilalim ng Republic Act 9367, obligado ang paggamit ng bioethanol—ngunit giit ng ilang grupo tulad ng The Philippine Biodiesel Association, ito pa rin ang “depensa” ng bansa laban sa imported fuel.
(TINA MENDOZA/CHRISTIAN DALE)
40 