HINDI matatawaran sa kasipagan si Chairman Rascal D. Doctor, ng Barangay Payatas, dahil ginagawa niya ang lahat ng kanyang makakaya para maipaabot sa kanilang mga residente ang pangangailangan.
Kabilang sa mga pinagtutuunan ng pansin ni Chairman Doctor, ang mga kabataan, at maging ang senior citizens sa kanllang barangay na pawang may mga karamdaman.
Para tiyakin na maiiwas sa masasamang bisyo ang mga kabataan, ay nagkaroon ng ARKU. TAI. Workshop na may kaugnayan sa Kung Fu ang Brgy. Payatas sa pamumuno ni Chairman Doctor sa tulong ni master Marlon Arintoc.
Nagkaroon din ng regular na paglilinis sa mga drainage, at ng anti-dengue campaign ang Barangay Payatas sa pakikipagtulungan ng mga residente at iba pang personalidad para matiyak na hindi babahain at maiwasan ang pagdami ng mga nagkakasakit na may kinalaman sa mapanganib na kagat ng Lamok na may dalang Dengue.
Tinitiyak din ni Chairman Doctor ang seguridad ng kanilang mga residente sa pamamagitan ng mga paglalagay ng outposts na may nakabantay na barangay tanod at mayroong mga solar lights sa iba’t ibang parte ng kanilang nasasakupan.
Nilagyan din ng mga marka ang mga tawiran o pedestrian crossings ng Barangay Payatas para maging ligtas sa kapahamakan sa pagtawid, partikular ang mga batang mag-aaral sa pagpasok at paglabas mula sa kani-kanilang mga paaralan.
Ang Barangay Payatas ay may kabuuang, 274,595 populasyon; pamilyang 29,859; nakarehistrong botanteng 70,061; at botantang SK 22, 645.
Mayroong limang elementary schools na kinabibilangan ng Lupang Pangako Elem., Melencio M. Castelo Elem., Payatas B Elem, Payatas C Elem., Raymundo Punongbayan Elem. (former Payatas B Annex Elem School) at isang high schol na Justice Cecilia Munoz Palma High School. (Joel O. Amongo)
115 















