BISOR NATAGPUANG PATAY SA HOTEL

LUCENA City – Natagpuang patay ang isang sales supervisor sa loob ng tinutuluyang hotel sa lungsod na ito, noong Lunes ng hapon.

Kinilala ang namatay na si Perlin De Ocampo, 43, tubong Iloilo City at national sales supervisor ng Philippine Foremost Milling Corporation (PMFC).

Batay sa report ng Lucena City Police, nadiskubre ang biktimang wala nang buhay sa kanyang kuwarto sa Quezon Premier Hotel sa Barangay Domoit.

Hindi umano ito sumasagot sa tawag ng kanyang kasamang sales reps kaya binuksan ng staff ng hotel ang kuwarto.

Ayon kay Malcom Carlota, isa sa mga sales rep na kasama ng biktima sa area, kasabay nilang nag- almusal ang bisor ngunit agad ding bumalik sa silid dahil masama ang pakiramdam at nanghihina.

Pansamantalang tumutuloy ang sales group sa nasabing hotel para sa marketing ng kanilang mga produktong harina na gawa ng PFMC.

Isinailalim na sa autopsy ang labi ng biktima para alamin kung ano ang posibleng sanhi ng pagkamatay nito. (NILOU DEL CARMEN)

174

Related posts

Leave a Comment