BINUKSAN muli ng Philippine National Railways (PNR) ang ruta nitong San Pablo -Lucena matapos ang isang dekadang pagtigil.
Ito ay bahagi ng proyekto ng PNR na mapalawak ang kanilang serbisyo sa mamamayan sa probinsya ng apat na munisipalidad at dalawang lungsod sa Laguna at Quezon.
Mula sa dating isang oras na biyahe magiging 30 minuto na lamang ang lalakbayin sa pamamagitan ng muling operasyon ng nasabing ruta.
May habang 44 kilometro at dalawang main station at apat na flag stops mula sa San Pablo City, Laguna hanggang Lucena City sa lalawigan ng Quezon.
Batay sa fare matrix, P50 ang regular na pamasahe mula San Pablo patungo Lucena.
Matatandaang huling naging operational ang naturang linya noong October 2013.
Dagdag pa ng DOTr, malaki ang magiging bahagi nito para sa pagbuo ng PNR-Bicol o ang tinatawag na Bicol Express.
Pinangunahan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Transportation Secretary Arthur Tugade ang muling pagbubukas ng naturang biyahe. (CYRILL QUILO)
219