BLINKEN, MANALO NAGPULONG SA INSIDENTE SA AYUNGIN SHOAL

PINAG-USAPAN nina U.S. Secretary of State Antony Blinken at Philippine Foreign Secretary Enrique Manalo ang naging aksyon ng Tsina sa West Philippine Sea (WPS), kapwa tinawag ng mga ito na ‘escalatory.’

Kinondena ng Britain, Canada at Estados Unidos ang hakbang ng Tsina kung saan ipinag-uutos nito na ikulong ang trespassers nang walang paglilitis na naging epektibo noong Hunyo 15.

Inaangkin ng Tsina ang halos buong WPS kabilang na ang Second Thomas Shoal, kung saan pinapanatili ng Pilipinas ang isang warship, ang Sierra Madre, na nakasadsad simula pa noong 1999 para palakasin ang soberanya ng bansa.

Sinasabing naging maasim na ang relasyon sa pagitan ng Maynila at Beijing sa ilalim ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr, dahil sa pagsuporta ng Estados Unidos sa Southeast Asian nation sa maritime disputes sa Tsina.

Naging tensyonado naman ang ugnayan ng Washington sa Beijing sa nakalipas na mga taon dahil sa mga usapin ng ‘Taiwan, trade tariffs,’ ang pinagmulan ng COVID-19 pandemic, giyera sa Ukraine, technology disputes at intellectual property, bukod sa iba pa. (CHRISTIAN DALE)

118

Related posts

Leave a Comment