BLOGGERS BIBIGYANG ACCESS SA MALAKANYANG

INAAYOS na ng Malakanyang na makasama ang bloggers sa ilan sa mga briefings sa Palasyo ng Malakanyang.

Sa katunayan, sinabi ni incoming PCOO Secretary Trixie Cruz-Angeles na inaayos na nila ang accreditation ng mga blogger sa Malakanyang.

“We are pushing for the accreditation of bloggers to be invited to some of the briefings especially those conducted by the President,” ayon kay Atty. Trixie Cruz-Angeles, isang pro-administration blogger.

“Yun pa lang po, yun ang isa sa aming na-formulate na priority for the incoming [Presidential Communications Operations Office],” dagdag na pahayag nito.

Sa ulat, malaki ang naging gampanin ng mga pro-administration bloggers sa panahon ng kampanya ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., may ilan ang nabigyan ng priority access noong panahon ng UniTeam sorties.

Ang access sa Malacañang coverage o Palace events ay kadalasang limitado lamang sa mga mamamahayag mula sa TV networks, online news outfits, at newspapers.

At sa tanong kung papayagan ng incoming administration ang lahat ng journalists o mamamahayag na mag-cover ‘physically’ sa mga Presidential events, sinabi ni Angeles na titingnan muna nila ang umiiral na polisiya sa usaping ito.

” I think we have to take a look at the existing policy first and determine the decision later on as to how appropriately they are at the current times. Well have to wait and see,” ayon kay Angeles.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na pinagbawalan ang Rappler reporter noong 2018 na makapasok sa buong Palace complex matapos maglathala ng kritikal sa administrasyon. (CHRISTIAN DALE)

176

Related posts

Leave a Comment