BMX NATIONAL CHAMPIONSHIPS

BIBIDA si Asian Junior champion Patrick Coo sa PhilCycling BMX National Championships sa susunod na linggo sa Tagaytay BMX Park.

Sinabi ni PhilCycling vice-president at BMX commission chairman Oscar Rodriguez sa RP2, dumating sa bansa ang 20-anyos na Filipino-American dalawang linggo na ang nakararaan.

Nabatid na ang based sa Bellflower, California na si Coo ay nagsasagawa rin ng cycling clinics kasama ang mga lokal na BMX riders.

Maliban kay dating Asian Games at SEA Games champion Danny Caluag at kapatid na si CJ, si Coo ay isang shoo-in winner sa Nationals Championships.

Samantala, maliban sa BMX racing ay gaganapin din ang BMX Flatland Nationals at ang PhilCycling’s BMX National Commissaire Course, na pangangasiwaan ni UCI International Commissaire Beatrice Lajwa ng Malaysia. (ANN ENCARNACION)

206

Related posts

Leave a Comment