BOC BUMUO NG IIQMSO PARA PALAKASIN ANG INTEGRIDAD AT KAHUSAYAN

BOC-12

PARA higit pang  palakasin ang integridad at kahusayan ng Bureau of Customs (BOC), binuo nito ang  Interim Internal Quality Management System Office (IIQMSO)na bahagi pa rin ng Ten- Point Priority Program ng ahensiya.

Matatandaang itinatag  noong Mayo 2019 ang IIQMSO kung saan si­nimulang isakatuparan ang kanilang adhikain na magsagawa ng  internal audits sa  iba’t ibang grupo, mga opisina at ports.

Layunin nitong alamin ang ‘assets and resources, finances and documentations, performance and compliance ng lahat ng tanggapan ng ahensiya  at iba pang  government policies and laws’.

Ang iba pang importanteng tungkulin ng nasabing opisina ay para tiyakin ang pagpapatuloy at tagumpay ng International Organization for Standardization (ISO) 9001 Quality Management System activities ng ahensiya.

Naging matagumpay naman ang IIQMSO sa  pag-audit sa ports  ng Limay, Cebu, Subic at San Fernando, La Union kasama ng kanilang mga sub-port.

Bago pa man matapos ang taon, target ng IIQMSO na makumpleto ang audit sa pakikipag-ugnayan sa ports at sub-ports ng Port of Clark, Port of Davao, Port of Manila at Port of Cagayan de Oro.

Naghahanda na rin  ang IIQMSO para sa kanilang plano sa taong 2020  na ang patuloy pa ring misyon ay  isakatuparan ang reporma at  pagbabago sa  ahensya at maging world-class Customs administration office na magdadala ng mabisa at maaasahang sistema at proseso sa kanilang stakeholders at higit sa lahat sa publiko. (Joel O. Amongo)

171

Related posts

Leave a Comment