PORT OF CLARK KUMITA NG P49.5-M REVENUE SA PUBLIC AUCTION

AUCTION

Nasa P49.5 milyon ang kinita ng Port of Clark, Pampanga sa kanilang isinagawang public auction mula sa nasabat na mga mobile phone, iba pang gadgets at accessories noong nakaraang Setyembre 30.

Bago isinagawa ang public auction ay nagkaroon muna ng public viewing ng nasabing goods noong nakaraang September 26.

Tatlo ang naging kuwalipikadong bidders na kinabibilangan ng: TNP, Pronet and Intogadgets, Inc. Karamihan sa mobile phones na nabili ay 6,800 units ng Vivo Y91; 400 units ng Vivo V15 Pro; 400 units ng Vivo V15; 800 units ng Leagoo M13; 1,040 units ng Redmi 7; 740 units ng Note 7; 850 units ng Huawei Honor 7s, at iba pa.

Matatandaan na maraming mobile phones, iba pang gadgets at accessories na walang permit mula sa National Telecommunications Commission  ang nasabat noong nakaraang Hulyo 12 ng mga operatiba ng Customs Intelligence and Investigation Services  at ang  Enforcement and Security Service ng  port sa pakikipagtulungan ng  Clark Development Corporation-Task Force Aguila.

Kasunod ito ng Warrant of Seizure and Detention (WSD) na inisyu laban sa nasabing shipment noong nakaraang Hulyo 15.

Noong Agosto 23, ang desisyong pagkumpiska ay inisyu at naging pinal noong  Setyembre 12 matapos na hindi makapag­rehistro ang may-ari nito sa kanyang goods.

Ang public auction ay ayon sa Section 1139 at 1148 ng Republic Act No. 10863 o mas kilala sa tawag na Customs Modernization and Tariff Act.

Ang Auction and Cargo Disposal Unit ng port ay in­award sa lot of Intogadgets, Inc., bilang nanalong bidder. (Jo Calim)

172

Related posts

Leave a Comment