Nakiisa ang Bureau of Customs (BOC) Port of Davao sa isinagawang simulation exercises para sa paparating na COVID-19 vaccines sa Davao Region noong Pebrero 15, 2021.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), kasama ng Department of Health (DOH) Regional Office XI,
Department of Interior and Local Government (DILG), Food and Drug Administration (FDA), Philippine National Police (PNP) at iba pang government agencies at private firms.
Ang ginawa nilang simulation ay para matiyak na walang anomang abala o hadlang na makakapag-anta sakaling dumating na sa rehiyon ang mga imported vaccines.
Kaya sinimulan ang dry-run sa pagdating ng goods sa Davao International Airport (DIA) na kung saan ay isasailalim sa pre-customs clearance sa BOC Davao’s One-Stop-Shop na naroon mismo sa DIA.
Kasunod nito, ang ramp release, transportation, unloading, at receiving vaccines sa cold chain storage facility ng Department of Health (DOH) sa Region XI.
Ang nasabing aktibidad ay pagsunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa pagpapadali ng lahat ng kaparaan para maiwasan din ang pagkakamali na maaaring maging dahilan ng pagkaantala sa pagkuha ng clearance ng vaccines.
Kaugnay nito, ang BOC-Port of Davao ay lalo pang pinalakas ang kanilang border surveillance sa lahat ng ports of entry sa Davao Region para tiyakin na walang makapapasok na peke at hindi rehistradong bakuna sa rehiyon at mga kalapit lalawigan nito sa ilalim ng pamumuno ng Collection District XII na nakabase sa Davao City. (Joel O. Amongo)
