KINILALA ng Louis Vuitton Company ang Bureau of Customs (BOC) dahil sa mga nagawa nito laban sa smuggling at counterfeiting operations ng ilang kumpanya sa bansa.
Pinangunahan ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero ang pagtanggap sa plake ng pagkilala ng Louis Vuitton nitong Hunyo 14.
Si Guerrero ay naging komisyoner ng BOC mula noong Oktubre 2018.
Ang Louis Vuitton na nagsimula sa negosyo noong 1854 ay kilalang kumpanya sa buong mundo hanggang kasalukuyan.
“The recognition came as part of the Bureau of Customs relentless drive against smuggling and counterfeit items”, wika ng BOC sa press statement nito.
Nagpasalamat si Guerrero sa ibinigay na pagkilala sa BOC.
Ayon sa BOC, sa pamamagitan ng sanib-puwersang pagtatrabaho ng BOC Enforcement Group – Enforcement and Security Service (EG-ESS) at Intelligence Group’s
Customs Intelligence and Investigation Service (IG-CIIS), umabot sa kabuuang P2.1 bilyon ang halaga ng counterfeit goods ang nakumpiska ng BOC mula Enero ng taong kasalukuyan hanggang ngayon.
Nanindigan ang BOC na patuloy nitong gagampanan ang gawain nito laban sa smuggling at counterfeiting.
