BOC NAGBABALA SA PUBLIKO VS PEKENG COVID VACCINES

Muling inulit ng Bureau of Customs (BOC) ang kanilang panawagan bilang suporta sa Food and Drug Administration (FDA) sa matinding babala sa publiko laban sa paglaganap ng pekeng CO­VID vaccines na gawang lokal.

Ang BOC ay naninindigan sa direktiba ng national government para sa awtorisadong private sectors para mag-import ng COVID-19 vaccines, at laban naman sa walang prinsipyong entity na nananamantala para pagkakitaan ang panahon ng pandemic sa pamamagitan ng paggawa ng ilegal na pekeng bakuna.

Ang counterfeit vaccines ay mapanganib sa kalusugan ng publiko at kaligtasan.

Hinikayat naman ng Bureau ang publiko na tanggapin ang pagbabakuna ng government-accredited hospitals at clinics lamang.

Kasabay nito, mariing hi­nimok ng DOH at FDA na magpabakuna para sa kanilang kaligtasan laban sa virus.

Nanawagan din ang BOC sa publiko na i-report ang anumang hindi awtorisadong nagbebenta, namamahagi at namamahala ng COVID-19 vaccines at pekeng droga.

Tiniyak din ng Bureau ang pagpapabilis sa proseso ng Personal Protective Equipment (PPE), at iba pang medical supplies, at authorized COVID-19 vaccines.

Sa kasalukuyan, ang klinaro at ini-release na ng Bureau of Customs ay nasa 15,715 shipments ng PPE at 5 shipments ng COVID-19 vaccines na may mahigit sa 2.5 million doses ng Sinovac at AstraZeneca vaccines.

Kaugnay nito, ang Bureau sa ilalim ng pamumuno ni Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero, ay nananatili sa close coordination sa DOH at FDA para sa mabilis na proseso ng authorized COVID-19 vaccine importations na matiyak ang public safety at mapigilan ang pagpasok ng smuggled vaccines.
(Jo Calim)

519

Related posts

Leave a Comment