BOC-PORT OF CLARK, LIPAD NAG-USAP; SECURITY BORDER, OPERASYON PAGTUTULUNGANG ISAAYOS 

NAGKAROON ng pagkikita at pag-uusap sina Bureau of Customs-Port of Clark Atty. Ruby

NAKIPAGKITA si Bureau of Customs Port of Clark (BOC-PC) District Collector Atty. Ruby Alameda sa kanilang stakeholders upang palakasin ang ugnayan at security border ng kanilang nasasakupan.

Isa sa stakeholders na kinausap ni Alameda si Bi Yong Chungunco, President/CEO ng Clark International Airport Luzon International Premier Airport Development (LIPAD) Corp.

Napag-usapan ng dalawa sa kanilang meeting ang pamamaraan para sa pagpapaganda ng operasyon sa passenger services, pag-establisa ng examination area para sa marked goods sa pamamagitan ng x-ray at ang hakbang para sa bagong terminal building kung saan inaasahan na mago-operate sa darating Abril 2021.

Ayon kay Atty. Alameda, ang nasabing  pag-uusap ay isang inisyatiba ng port na laging nakikipag-ugnayan sa kanilang partners at stakeholders upang matugunan maging ang kaalaman sa mga pagbabago at mga programa.

Matatandaan kamakailan ang Port of Clark ay pinangunahan ang FY 2021 Budget Planning na dinaluhan ng mga kinatawan ng Administrative Division Chiefs and Budget Officers mula Ports of Aparri, San Fernando, Subic, Limay at Clark. BOY ANACTA

 

473

Related posts

Leave a Comment