INANUNSYO ng Bureau of Customs – Port of Subic na nitong nakaraang buwan ng Nobyembre ay nakalagpas sila sa kanilang 2020 Annual Collection Target.
Base sa preliminary data, ang BOC-Subic ay nakakolekta ng may kabuuang Php 25,822,750,322.23 revenue sa huling araw ng Nobyembre 2020.
Ito umano ay 2.09% na mas mataas sa kanilang target na Php 25,293,015,679.17 para sa buong taon.
Ang Port ay nakakulekta rin ng Php 439,002,071.78 sa pamamagitan ng kanilang liquidation at Billing Unit mula Enero hanggang Nobyembre 2020.
Kaugnay nito, nakapagtala rin ang Port ng lagpas sa kanilang collection target para sa kanilang buwan ng Nobyembre 2020 ng 5.87% o katumbas ng Php 134,951,619.96 sobra laban sa month’s target ng Php 2,298,066,872.00.
Ayon kay District Collector Maritess Martin, sa kabila ng pagkakalagpas nila sa annual target, ang Port ay hindi nagpapahinga at patuloy nilang pinalalakas ang pagsisikap sa kanilang koleksyon, pinahusay na border security at protection.
Sinabi pa niya na hindi pa rin sila nagiging kampante sa mga huling araw ng nasabing buwan at panata pa rin sila na maabot nila ang itinalaga sa kanilang collection target, na nakapagtala sila ng Php 2,360,478,861.00 collection.
Ayon kay Collector Martin, ang positibong collection performance ng Port ay isang ‘collective team effort and remarkable work’ ng lahat ng mga kalalakihan at kababaihan ng Port of Subic.
Dahil dito, muling tiniyak ni Collector Martin sa kanilang stakeholders at transacting public na ang Port ay patuloy sa pagbibigay ng ‘excellent service, utmost attention and strive’ para maabot ang pangangailangan sa lahat ng oras bilang paulit-ulit nilang sinasabing “Service is the heart of the Port of Subic”. (Jo Calim)
