NADAGDAGAN ng +272 porsiyento ang scanning rate ng Bureau of Customs (BOC) X-ray Inspection Project (XIP) para sa Mayo ng taong kasalukuyan.
Sobrang taas nito kumpara sa parehong buwan noong nakaraang taon, pahayag ng BOC.
Noong Mayo 2020, umabot sa kabuuang 26,619 scanned containers ang nagawa ng BOC, samantalang 72,364 containers naman ang sumailalim ngayong Mayo sa XIP ng BOC.
Ayon sa BOC, pumalo sa 60% ng kabuuang 513,600 containers na na-scanned nitong 2020.
Nakapagtala naman ng 310,583 scanned containers mula Enero hanggang Mayo ng taong kasalukuyan.
Ayon sa BOC, pinalakas ang XIP upang higit na humusay at tumaas ang kapasidad ng BOC sa pagtukoy ng “smuggled” at “anti-social goods” tulad ng misdeclared items, undervalued goods at undeclared goods.
Gawain din ng XIP ang pagmonitor sa “entry of narcotics” sa iba’t ibang ports sa buong bansa.
Pinapagana rin nito nang mabilis at epektibo ang screening ng containerized shipments na may minimum interruption sa galaw ng mga kalakal sa loob ng mga port.
Ang mabilis na scanning ng containerized shipments na walang kompromisong bantang pagka-detect ay indikasyon na pinaigting ang kapasidad ng BOC sa non-intrusive inspection, sa pamamagitan ng advanced x-ray machine na pinamamahalaan ng XIP.
Ang modernisasyon ng scanning technology sa mga port ay hindi lamang nakagawa ng pagpapaganda sa border security at trade facilitation, kundi pinataas din nito ang lahat ng “port operation’s resiliency and adaptability in times of operational disruption”, paliwanag ng BOC.
Sa pamamagitan ng XIP, tiniyak ng liderato ng BOC sa publiko na patuloy na gagawin nito ang higit na pinatinding scanning capability, kaugnay sa pagpapahusay ng customs operations na naglalayong mabawasan ang abala, kasabay ng pagpapahusay ng kalakalan. (Boy Anacta)
