INILABAS ng RPMD Foundation Inc., bilang bahagi ng kanilang “Boses ng Bayan” na inisyatiba, ang mga resulta ng kanilang independiyente at hindi kinomisyon na survey hinggil sa ‘senatorial preferences’ para sa nalalapit na halalan ng 2025.
Ang survey na isinagawa mula Disyembre 20 hanggang 28, 2024, ay kumolekta ng mga sagot mula sa 3,500 na kalahok sa buong Pilipinas, kung saan tinanong sila kung sino-sino ang 12 kandidatong pinakamalamang nilang susuportahan sa Senado kung ang halalan ay gaganapin ngayon.
Statistically-tied sina Sen. Bong Revilla Jr. (53%) at Rep. Erwin Tulfo (52%) sa ika 1-2 pwesto. Sinundan nina Sen. Bong Go (50%) at dating Sen. Tito Sotto (49%) sa ika 3-4 na ranggo. Si dating sen. Manny Pacquiao nasa ika 5 may 46%, si broadcaster Ben Tulfo ay nasa ika 6 na may 43%, habang sina Sen. Pia Cayetano (40%) at dating DILG Sec. Benhur Abalos Jr. (39%) ay tied sa ika 7-8 na pwesto. Si Sen. Francis Tolentino (36%) ay nasa ika 9, at si Cong. Camille Villar (33%) ay nasa ika-10 pwesto. Ranked 11th-13th naman sina Sen. Imee Marcos (30%), dating Sen. Ping Lacson (29%), at Sen. Lito Lapid (28%), habang ang celebrity host na si Willie Revillame ay nasa ika-14 na pwesto na may 25%. Nagtabla naman sina Sen. Bato dela Rosa (22%) at Mayor Abby Binay (20%) sa ika 15-16 na pwesto. Si Sen. Kiko Pangilinan, dating Gov. Chavit Singson, at dating Sen. Bam Aquino ay nasa ika 17-19 na pwesto na may 17%, 17%, at 16%, ayon sa pagkakasunod.
Si Rep. Wilbert Lee naman ay nasa ika-20 na pwesto na may 13%.Si Doc Willie Ong (9%) at dating Sen. Gringo Honasan (8%) ay nasa 21-22 na pwesto, kasunod nila sina Cong. Bonifacio Bosita (6%), Cong. Dante Marcoleta (5%), at actor na si Philip Salvador (4%) sa ika 23-25 na pwesto.
Nasa 26-30 sina Cong. France Castro, Ariel Querubin, Heidi Mendoza, at Pastor Apollo Quiboloy. Nasa 31-40 na pwesto na may 1%, Jimmy Bondoc, Teddy Casiño, Raul Lambino, Norberto Gonzalez, Leody De Guzman, Arlene Brosas, Liza Maza, Eric Martinez, Danilo Ramos, at Ernesto Arellano.
Binigyang-diin ni Dr. Paul Martinez, Global Affairs Analyst at Executive Director ng RPMD, ang kahalagahan ng survey sa pagkuha ng tunay na saloobin ng mga botante sa buong bansa.
Sa margin of error na ±2% at 95% confidence level, inilarawan niya ang “Boses ng Bayan” Senatorial Preferences survey bilang isang mahalagang kasangkapan upang maunawaan ang nagbabagong mga prayoridad ng mga botante bago ang halalan ng 2025, na nagpapakita ng dinamikong timpla ng mga batikang politiko, mga pampublikong tao, at mga umuusbong na lider na naglalaban para sa tiwala ng nakararami.
20