BOSSING VIC, CONEY PROUD PARENTS NI MAYOR VICO

vico12

EXPRESS LOGO copy(NI RONALD M. RAFER)

TINAPOS ni Vico Sotto ang 27 years na pamumuno ng mga Eusebio sa Pasig City. Kasama ni Vico ang mga magulang na sina Vic Sotto at Coney Reyes nang pumunta sa Kapitolyo ng Pasig para sa proclamation bilang bagong mayor ng Pasig.

Pabahay, edukasyon, at pagsugpo sa korapsyon ang mga tututukan ni Vico.

Very proud parents sina Bossing Vic at Coney.

“His heart is set to help people. Bata pa siya, ganun na ang gusto niyang gawin, ang tumulong. He commits his plans to the Lord. We’re here for him, we are praying for him at sinasabi namin na always pray,” pahayag ni Coney.

“Hindi pa kami nagpapahinga. Anim na buwan na akong ninerbiyos mula nung sabihin niyang tatakbo siya for Mayor,” pahayag ni Vic nang siya naman ang matanong.  “Bago naman siya nagdesisyon, we had a heart to heart talk. May option siya to run as councilor ganundin as mayor. Nung nagdesisyon siya to run for mayor, sabi ko whatever his decision is, nilatag niya ang mga plano niya. Naniniwala ako sa kanya kaya sabi ko I’ll support him all the way.”

Nakaka-proud nga naman si Vico na very young and full of energy and fresh ideas.

We’re just wondering, ano kaya ang pakiramdam ngayon ni Oyo Boy Sotto?

206

Related posts

Leave a Comment