BRGY. TREASURER PATAY SA EX-LIVE-IN PARTNER

BATANGAS – Patay ang isang barangay treasurer matapos na barilin ng kanyang dating live-in partner sa Brgy. Paliparan, sa bayan ng Laurel, sa lalawigang ito, noong Linggo ng hapon.

Ayon sa ulat ng pulisya, selos ang dahilan ng pamamaril ng lalaki sa kanyang dating kinakasama.

Kinilala ang biktimang si Shiela Avelino, 40, residente ng nasabing barangay.

Lumalabas sa imbestigasyon, dakong alas-2:00 ng hapon nang makita ng suspek na si Marlon Balani, 40, ang biktima habang naglalakad sa barangay road.

Nilapitan ito ng suspek at kinakausap hinggil sa kanilang dating relasyon ngunit hindi umano pinansin ng biktima. Bunsod nito, bumunot ng baril ang suspek at pinaputukan ang biktima.

Isinugod ang biktima sa Global Medical Center sa Talisay, Batangas, subalit idineklarang dead on arrival habang sumuko naman ang suspek matapos ang krimen.

Nahaharap ang suspek sa kasong homicide.

(NILOU DEL CARMEN)

144

Related posts

Leave a Comment