BRICE HERNANDEZ BALIK-SENADO

NAIBALIK na sa Senado si dating DPWH Assistant District Engineer Brice Hernandez.

Ayon kay Senate Sgt At Arms Retired General Mao Aplasca, alas-10:10 ng umaga nitong Lunes nang madala sa Senado si Hernandez.

Batay ito sa utos ng Pasay City Regional Trial Court bilang resulta ng pagtalakay nila ng writ of amparo petition ni Hernandez kung saan hinihiling niyang ibalik siya sa PNP Custodial Center.

Kasabay nito, kinumpirma ng tanggapan ni Senate President Vicente Tito Sotto na sumulat sa lider ng Senado ang abogado ni Hernandez kaugnay sa muling admission ng kanyang kliyente sa Senate detention facility.

Kumpiyansa umano ang kampo ni Hernandez sa pamumuno ni Sotto at ni Blue Ribbon Committee Chairperson Panfilo “Ping” Lacson.

Ang pananatili rin anila ni Hernandez sa Senado ay patunay na hindi tinatalikuran ng Senado ang paglalabas ng katotohanan sa isyu ng flood control projects.

(DANG SAMSON-GARCIA)

205

Related posts

Leave a Comment