BSKE POSTPONEMENT PABOR SA INUTIL NA BARANGAY EXECS

TINULIGSA ng militanteng grupong Kabataan sa Kamara ang kanselasyon ng halalang pambarangay na nakatakda sanang idaos sa Disyembre ng taong kasalukuyan.

Ayon kay Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel, ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ay nangangahulugan ng pagpapalawig ng termino ng mga opisyales ng barangay maging sa hanay ng mga halal na lider kabataan.

Paniwala pa ng kongresista, pumabor ang Republic Act 11935 sa mga inutil na opisyales ng barangay, habang mistulang dusa naman ang paglalarawan ng kongresista sa kinasadlakan ng mamamayang walang magagawa kundi magtiis sa walang kwentang barangay officials sa kanilang pamayanan.

“The postponement not only extends the term of service for the officials and does nothing to help their situation right now,” ayon sa grupo ni Manuel na kabilang sa mga kumontra sa botohang idinaos sa plenaryo ng Kamara.

Base sa nasabing batas, lahat ng mga incumbent barangay at SK officials ay mananatili sa kani-kanilang pwesto hanggang sa bagong petsang itinakda para sa BSKE – Oktubre 2023.

“This decision tramples upon our basic democratic rights to choose our officials, especially at the Barangay level where the government is felt the most.

Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act (RA) No. 11935, nitong Lunes, Oktubre 10, batas na naglalayong ipagpaliban ang Barangay at SK elections ngayong Disyembre 5 at iniurong sa huling linggo ng Oktubre sa susunod na taon.

“There shall be synchronized Barangay and Sangguniang Kabataan elections, which shall be held on the last Monday of October 2023 and every three years thereafter,” ang nakasaad sa batas.

Sa ilalim ng RA 11935, ang term of office ng mga mahahalal na barangay at SK officials ay magsisimula sa Nov. 30 matapos ang eleksyon.

“Until their successors shall have been duly elected and qualified, all incumbent Barangay and Sangguniang Kabataan officials shall remain in office, unless sooner removed or suspended,” ayon sa batas.

Ipagpapatuloy ng Barangay at SK officials na pawang ex-officio members ng Sangguniang Bayan, Sangguniang Panlungsod, o Sangguniang Panlalawigan ang pagseserbisyo hanggang sa susunod na Barangay at SK elections maliban na lamang kung aalisin sila sa puwesto.

“The amount necessary for the implementation of RA 11935 will be taken from the appropriations of the Commission on Elections under the General Appropriations Act and/or supplementary appropriations,” ayon sa RA 11935.

Pinagtibay ng Senado at Kamara ang consolidated version ng House Bill No. 4673 at Senate Bill No. 1306 noong Sept. 28, 2022 sa kabila ng pagtutol ng ilang grupo, tulad ng Namfrel at iba pa. (BERNARD TAGUINOD/CHRISTIAN DALE)

195

Related posts

Leave a Comment