BUCOR INMATES LABAS-MASOK

bucor55

NASA LIKOD NG HIGH PROFILE CRIMES – SOLON

NANINIWALA si Senador Panfilo Lacson na nagagamit ang ilang inmates sa Bureau of Corrections (Bucor) sa krimen kung kaya’t walang nadadakip ang mga awtoridad sa serye ng high profile crimes sa bansa.

Ayon kay Lacson, malaki ang posibilidad na modus operandi ang malalaking kaso ng pagpatay sa high profile personalities.

“Mahirap i-convict ‘yan if at all. Perfect ang alibi. If I’m a detainee, (I can say) I’m in NBP, but here’s 2 witnesses identifying him positively as the one who perpetrated the crime… You have to prove first nakalabas siya. E walang record. Gabi sila lumalabas, gabi rin pumapasok of course in conspiracy with the prison guards. So wala ring mag-testify na nakalabas,” dagdag ni Lacson.

Giit nito, labas-masok ang mga preso sa piitan para gumawa ng krimen bago babalik sa loob dahilan upang mahirapang malutas ng mga awtoridad ang isang krimen.

Idinagdag pa ni Lacson na minsan na rin niyang napatunayan na nagagamit ang inmates sa isang krimen noong siya ay miyembro ng Philippine Constabulary.Sinabi pa ni Lacson na maging ang mga opisyal ng BuCor ay natatakot sa kanilang buhay dahil sa nangyaring pagpatay sa ilang opisyal nito tulad ni Atty. Fredric Santos na hanggang ngayon ay wala pang nadadakip sa mga salarin.

“Even (former) Director (Franklin) Bucayu confided gusto niya mag-resign kasi takot siya pati siya mapatay. BuCor director takot mapatay ng preso. Wala na talaga,” giit nito. NOEL ABUEL

138

Related posts

Leave a Comment