MULA sa pakikipaglibing, balik sa lamay ang isang pamilya nang mapatay sa saksak ng nakatatandang kapatid ang kanilang bunso noong Miyerkoles ng hapon sa bayan ng Oton, sa lalawigan ng Iloilo.
Ayon sa ulat ng Oton Municipal Police Station, napatay ng kanyang kuya ang biktimang si Purisimo Salitre, 54-anyos, ng nasabing bayan.
Lumabas sa imbestigasyon, galing ang pamilya sa pakikipaglibing sa namatay nilang pinsan sa Barangay Cadinglian at nagkaroon ng inuman,
Sa gitna ng masayang inuman ay biglang nagkaroon ng matinding pagtatalo ang magkapatid na nauwi sa pisikalan,
Hinataw ng nakababatang kapatid ang kanyang kuya na sinalubong naman ng huli ng saksak, ayon sa imbestigasyon.
Nagawa pang maitakbo ang biktima sa pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival.
Nadakip din agad ng mga awtoridad ang suspek na kasalukuyang nasa kustodiya ng Oton police. (JESSE KABEL)
280
