BULACAN ABC PREXY, DRIVER PATAY SA AMBUSH

BULACAN – Patay ang presidente ng Association of Barangay Captain (ABC) sa lalawigan, gayundin ang driver nito, matapos tambangan habang sakay ng sports utility vehicle sa Barangay Ligas sa Lungsod ng Malolos, noong Huwebes ng gabi.

Kinilala ang biktimang si ABC President Ramil Capistrano at ang driver nito na si Shedrick Suarez, kapwa lulan ng itim na Mitsubishi Montero na may plakang CBZ-6532.

Wala pang malinaw na impormasyon hinggil sa pagkakakilanlan ng suspek na bigla na lamang sumulpot sa harapan ng sasakyan ng mga biktima at ilang beses pinaputukan ang mga ito ng ‘di pa mabatid na armas dakong alas-6:30 ng gabi.

Nabatid na bago ang insidente, dumalo sa Ika-11 Karaniwang Pagpupulong sa Sangguniang Panlalawigan ng Bulacan si Bokal Capistrano.

Sa ngayon ay blangko pa ang pulisya sa nasabing shooting incident ngunit patuloy ang kanilang pagkalap ng testigo na makapagbibigay ng lead sa naturang krimen. (ELOISA SILVERIO)

140

Related posts

Leave a Comment