BULACAN LIBRARIES TUMANGGAP NG 2,909 BOOKS MULA SA SM BOOK NOOK

NAGBIBIGAY ng inspirasyon ang SM City Marilao, SM City Baliwag, at SM Center Pulilan sa mas maliwanag, mas empowered na kinabukasan sa mga komunidad sa Bulacan matapos na ang malls ay nag-turn over ng 2,909 preloved na mga libro sa mga partner na institusyon sa lalawigan sa pamamagitan ng kanilang Book Donation Drive.

Sinabi ni Public Relations Officer Veronica Cunan ng SM Baliwag noong Huwebes, ang Book Donation Drive na nagsimula noong Hulyo 2025, ay nasa ilalim ng flagship literacy program ng SM Supermalls, ang SM Book Nook.

Hinihikayat ng inisyatiba ang mga mallgoer, nangungupahan, kasosyo, at komunidad na mag-abuloy ng mga de-kalidad na libro na magkikinabang ang mga bata, pamilya, at mambabasa mula sa lahat ng antas ng pamumuhay.

Ang volunteers ng SM City Marilao ay nagbigay ng kabuuang 1,670 libro sa Bulacan Provincial Library.

Ang SM City Baliwag naman ay nakakolekta ng 623 na libro at iniabot sa Aklatang Bayan ng Bustos, habang ang SM Center Pulilan ay naglaan ng kabuuang 616 na libro sa Plaridel Municipal Library.

Higit pa sa mga donasyon, itinatampok din ng kampanya ang pangmatagalang pananaw ng SM Cares na gawing hub ang bawat SM mall para sa inklusibong pag-aaral, pakikipag-ugnayan sa komunidad, at pagbabahagi ng pag-asa lalo na para sa mga batang mambabasa at mga lider sa hinaharap.

Sa pamamagitan ng sama-samang pagsisikap na ito, nilalayon ng SM na palakihin ang isang kultura ng pag-aaral, itaguyod ang literacy, at magbigay ng inspirasyon sa mga susunod na henerasyon — isang kuwento, isang mambabasa, at isang komunidad sa bawat pagkakataon.

(ELOISA SILVERIO)

2

Related posts

Leave a Comment