Bulilyasong BOC District Collectors SISIBAKIN, KAKASUHAN

BUKOD sa pagkasibak sa pwesto, nahaharap sa kabi-kabilang kasong kriminal  ang mga nalalabing “latak ng katiwalian” sa Bureau of Customs (BOC), ayon mismo sa pahayag ng Palasyo ka­makailan.

Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, napipinto ang isang malawakang sibakan sa pwesto sa mga distrito kung saan aniya talamak ang sabwatan sa pagitan ng mga opisyal ng BOC at mga sindikato sa likod ng agri-smuggling, makaraang mabisto ang paggamit ng mga “recycled importation permits.”

Partikular na tinukoy ni Angeles ang mga dokumentong nakalap kaugnay ng pagkakasabat sa Port of Subic ng hindi bababa sa 7,021 metriko toneladang asu-
kal mula sa bansang Thailand.

Pag-amin ng Kalihim, mismong ang bagong pamunuan ng BOC ang nakabisto sa modus na posible aniyang matagal ng ginagawa ng mga sindikato sa tulong ang mga tiwaling opisyal sa iba’t ibang district collection offices ng kawanihan.

“Heads may roll,” ani Angeles sa isang pahayag na ipinamahagi sa mga peryodista.

Sa ulat na isinumite ni Acting Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz kay Executive Secretary Victor Rodriguez, pawang “recycled” na importation permit ang ginamit sa nahagip na 7,021 metriko toneladang asukal na lulan ng MV Bangpakaew.

Sa pagtataya pa ng BOC chief, aabot sa P45.6 milyon ang buwis na kalakip ng bigong pagpupuslit ng naturang kargamento.

Pag-amin ni Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) officer-in-charge Jeoffrey Tacio, muntik na silang malusutan makaraang makapagprisinta ng “Special Permit to Discharge (SPD) at Verified Single Administrative Document (SAD)” kalakip ang isang “verified clearance” mula sa Sugar Regulatory Administration (SRA).

“Initially, the cargo vessel was allowed to discharge its load at 11 a.m. on Thursday, cleared by SRA and BOC because it was not covered by the failed attempt to import 300,000 MT of sugar,” ani Tacio sa pahayag ng Palasyo.

“This means that the recycled permit was from an old allocation,” dagdag pa niya.

Una nang ibinasura ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Sugar Order  No. 4, na nagbibigay pahintulot sa pag-angkat ng 300,000 metriko toneladang asukal sa bansa.

“Reports have reached the Office of the Executive Secretary (OES) that indicated a similar modus involving recycled import permits which supposedly resulted in the smuggling of a shipload of imported sugar last week,” ayon pa sa kalatas ng Palasyo.

Gayunpaman, natukoy na umano ng Malakanyang ang mga sangkot sa naturang bulilyaso.

“This is clearly economic sabotage and this crime is non-bailable,” ayon naman kay ES Rodriguez.

111

Related posts

Leave a Comment