BUS SYUT SA ZIGZAG ROAD 1 PATAY, 1 SUGATAN

QUEZON – Binawian ng buhay ang isang driver ng bus habang sugatan ang kasama nito nang ang kanilang sinasakyang service bus ay mahulog sa Zigzag Diversion Road sa Sitio Upper Sapinit sa Brgy. Silangang Malicboy, sa bayan ng Pagbilao sa lalawigang ito.

Kinilala ang namatay na driver na si Marcus Cabanela, 38-anyos, residente ng Brgy. Tumana, Marikina City.

Ayon sa report ng Pagbilao Police, dakong alas-9:30 noong Sabado ng gabi, patungong direksyon ng Maynila ang Isarog Transport bus na kargado ng mga kahon ng seafoods ngunit pagsapit nito sa pababa at kurbadang bahagi ng diversion road ay mawalan ng kontrol sa manibela ang driver.

Limihis pakaliwa ang bus bago ito nahulog sa bangin na nasa 8 metro ang lalim.

Naipit ng mga wooden at plastic box si Cabanela na nagkaroon ng pinsala sa ulo at katawan na agad nitong ikinamatay.

Nakaligtas naman ang kasama nito na si Victor Lero, 35-anyos, residente ng Irosin, Sorsogon, na isinugod ng sumaklolong mga tauhan ng Pagbilao MDRRMO sa ospital sa Lucena City. (NILOU DEL CARMEN)

167

Related posts

Leave a Comment