CALAPEÑOS SUPORTADO ADBOKASIYA NG AKO-OFW PARTY-LIST

MAINIT na pagtanggap at suporta ang sumalubong sa AKO-OFW Party-list sa isang araw nitong pagbisita sa Calapan, Mindoro.

Sa kabila ng matinding pag-ulan, hindi ininda ng Calapeños ang sama ng panahon.

Anila, lubos silang natutuwa sa adbokasiya at mga nasimulang programa ng AKO-OFW Party-list.

Bukod kasi na halos sa mga ito ay may mga pamilyang OFW, ang ilan sa kanila ay naging Pinoy workers din.

Hiling nila na sana’y maisakatuparan ang adbokasiya ng AKO—OFW dahil na rin sa sunod-sunod kaso at kalunos-lunos na sinapit ng ating mga kababayan.

Kasunod nito, mas lumakas pa ang pwersa ng mga OFW dahil na rin sa pagsama ni Calapan Mayor Malou Morillo at konsehal Jayvee Vega na isa ring OFW noon at nagsisilbi sa OFW hanggang ngayon at maging sa kanyang mga kababayan.

Samantala, tiniyak naman ng AKO—OFW na gagawin ang lahat para matugunan ang pangangailangan ng mga Pinoy worker at kinakaharap na suliranin sa kanilang mga employer.

9

Related posts

Leave a Comment