CAMANAVA PUMALO NA SA 469 ANG COVID-19 DEATHS

PUMALO na sa 469 ang kabuuang bilang ng mga namatay sa coronavirus disease sa Camanava (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) hanggang noong Agosto 14.

Ayon sa ulat, sumakabilang buhay ang tatlong COVID-19 patients sa Malabon City noong Biyernes, Agosto 14, at umakyat na sa 134 ang namamatay dahil sa nasabing sakit.
Nabatid mula sa City Health Department, ang binawian ng buhay mula sa Barangay Potrero (1), Tinajeros (1), at ang isa ay buhat sa labas ng lungsod.

Samantala, 55 ang nadagdag na confirmed cases at sa kabuuan ay 2,638 ang positive cases, 473 dito ang active cases, habang 32 katao ang nadagdag sa bilang ng mga pasyenteng gumaling at sa
kabuuan ay 2,031 ang recovered patients sa siyudad.

Sa katabi namang lungsod ng Caloocan ay 3,522 na ang nagpositibo sa nasabing sakit, ayon sa ulat ng Caloocan Health Department noong Agosto 13. Sa bilang na ito, umabot na sa 1,757 ang
nakarekober habang 143 na ang namatay.

Hanggang alas-10:00 naman ng gabi noong Agosto 12 sa Valenzuela City, ay 3,005 na ang COVID positive. Ang active cases sa lungsod ay 1,335, habang 1,584 na ang nagpositibo at 86 ang namatay.

Habang sa Navotas, hanggang alas-8:30 ng gabi noong Agosto 13, ay 3,522 na ang kumpirmadong tinamaan ng COVID-19.  Sa bilang na ito, 1,444 ang active cases, 1,972 ang nakarekober at 106 ang namatay.

Iniulat naman ng Navotas City Police na hanggang alas-5:00 ng hapon noong Agosto 14, umabot na sa 1,719 ang nahuling mga lumabag sa ipinatutupad na safety measures para maging protektado sa COVID-19 ang lungsod.

Sa bilang na ito, 1,448 ang hindi nagsuot ng face mask o hindi tama ang pagkakasuot nito, 100 ang lumabag sa curfew at 171 ang nakikipagkumpulan at ‘di sumunod sa 1-2 metrong physical
distancing. (ALAIN AJERO)

138

Related posts

Leave a Comment