CAMILLE VILLAR IKINABIT NG KABATAAN SA LAND GRABBING

BINUSKA ng grupo ni Kabataan party-list Representative Raoul Danniel Manuel si House Deputy Speaker Camille Villar matapos sabihin na ang kanyang amang si dating Senate President Manny Villar ang “best campaign manager in the world.”

“What campaign are they sticking to? Nationwide land grabbing? Effective talaga ito para magpayaman at magtanim ng utang na loob sa mga botante at kapwa politiko. Their best campaign tactic: Hanap. Usap. Deal,” ayon sa grupo ni Manuel.

Ang matandang Villar ay personal nang hinawakan ang senatorial campaign ng anak nito sa gitna ng patuloy na pagkakalaglag nito sa senatorial survey sa kabila ng pagkakasama sa Alyansa ng administrasyong Marcos Jr.

Inendorso na rin ni Vice President Sara Duterte-Carpio ang kandidatura ng batang Villar, kasama ang kapatid ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na si reelectionist Senator Imee Marcos dahil kapwa nawawala na ang mga ito sa ‘Magic 12’.

“For the Villars, elections are decided by what you own rather than what you do. It’s about the friends and riches you can own, not the voters you can win over. And Camille is even proud of this,” ayon sa grupo ni Manuel.

Sinabi pa ng mga ito na hindi youth advocate ang batang Villar at kaya lamang ito tumatakbo sa Senado ay para sa kanilang negosyo.

Punto pa ng grupo ni Manuel, huwag hayaan na maging ang kinabukasan ng mga kabataan at gobyerno ay makontrol ng pamilya ng Villar.

Sa ngayon ay dalawang Villar ang nakaupo sa Senado sa katauhan ng mag-inang Cynthia at Mark Villar.

Gayunpaman, huling termino na si Senadora Cynthia kaya tumatakbo ang kanyang anak na si Camille para palitan siya habang ang kapatid ng huli na si Mark ay hanggang 2028 pa ang termino at inaasahan na muli itong tatakbo para sa ikalawang termino sa 2028.

(PRIMITIVO MAKILING)

5

Related posts

Leave a Comment