NAGPASALAMAT ang millennial candidate na si Camille Villar kay Bohol Governor Aris Aumentado sa suporta nito sa kanyang pagtakbo sa pagkasenador ngayong darating na May 2025 polls.
Inulit ni Camille ang kanyang mga adbokasiya sa pagsusulong ng kapakanan ng overseas Filipino workers (OFWS), kababaihan at mga bata, at ang pangangailangang palakasin ang maliliit at katamtamang laki ng mga negosyo, imprastraktura, sektor ng pabahay, at edukasyon sa panahon ng kanyang kampanya sa Central Visayas.
Sa kanyang pagbisita kamakailan, binigyang-diin din ni Camille Villar ang kahalagahan ng pagpapalakas ng mga mapagkukunan at lakas-tao para sa lokal na turismo bilang paraan ng pagpapabuti ng ekonomiya at pagbibigay ng mas maraming oportunidad sa trabaho para sa mga tao.
Pinasalamatan din ni Villar sina Vice Gov. Tita Baja, Board Member Nick Besas at 3rd district Bohol Rep. Kristine Alexie Besas-Tutor sa kanilang mainit ng pagtanggap nang bisitahin niya ang lalawigan.
(Danny Bacolod)
