CAMPAIGN SORTIES NG ALYANSA NGAYONG LINGGO, IPINAGPALIBAN

IPINAGPALIBAN ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas ang kanilang mga aktibidad ngayong linggo upang bigyang-daan ang mga imbitasyon sa mga kanilang senatorial bets sa mga local proclamation rallies.

Ipinaliwanag ni Alyansa Campaign Manager at Cong. Toby Tiangco na dahil magsisimula na ang pangangampanya sa local elections sa Biyernes, Marso 28, ilan sa kanilang senatorial bets ang naimbitahan sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Nakatakda sanang magsagawa ng campaign rally ang Alyansa sa Malolos, Bulacan sa araw ng Biyernes.

Una namang napostpone ang nakatakda sanang campaign sortie ng grupo sa lalawigan ng Pampanga sa Sabado, Marso 29.

Kasabay nito, nilinaw ni Tiangco na nananatili pa ring bahagi ng Alyansa ang Nacionalista Party sa kabila ng ilang beses nang pagiging absent nina Senador Imee Marcos at Cong. Camille Villar sa mga nakalipas na sorties.

Sinabi ni Tiangco na present naman sa meeting ng Alyansa nitong Lunes ng gabi si Villar habang nirerespeto na lamang nila kung ano ang desisyon ni Marcos.

(Dang Samson-Garcia)

32

Related posts

Leave a Comment