CARPIO PINASALAMATAN NI DUTERTE

PINASALAMATAN ng Malakanyang si retired Supreme Court Justice Antonio Carpio matapos nitong purihin si Pangulong Rodrigo Roa Duterte nang igiit nito sa kanyang talumpati sa idinaos na

United Nations General Assembly (UNGA) ang Hague-based arbitral ruling sa South China Sea na naipanalo ng Pilipinas laban sa China.

Ikinatuwa kasi ni Carpio, long-time advocate ng soberanya ng bansa sa pinag-aagawang teritoryo, na tinanggap ng Pangulo ang suporta ng ibang bansa sa 2016 ruling.

“Nagpapasalamat po kami kay Justice Carpio. Sa wakas napuri ang Presidente ni Justice Carpio,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Sa kabilang dako, sinabi naman ni dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario, na ang paggiit ng Pangulo sa arbitral award ay pagtalima sa itinakda ng Konstitusyon na protektahan ang soberanya ng bansa.

Mahalaga aniya na madagdagan ang mga bansang sumusuporta sa ruling para mas maigiit ito sa 2021 UN Assembly.

Ani Sec. Roque, nananatili ang posisyon ng Pangulo na walang anuman o alinmang bansa ang makapagpapahina sa arbitral award.

“Wala po talaga kasing police na pupuwede mag-enforce ng arbitral award na yan. Yan po ay naririyan na, nakaukit na po sa tadhana yan, nakaukit na po yan sa international law. Wala na po silang magagawa sa posisyon na yan ,” anito.

Samantala, sa kauna-unahang talumpati ng Pangulo sa UN General Assembly, iginiit nito ang napanalunang desisyon ng Pilipinas laban sa China sa usapin ng South China Sea, sa kabila ng nauna niyang pagtangging hamunin ang China.

“The Philippines affirms that commitment in the South China Sea in accordance with UNCLOS (UN Convention on the Law of the Seas) and the 2016 Arbitral Award,” anang pangulo.

“The award is now part of international law, beyond compromise and beyond the reach of passing governments to dilute, diminish or abandon. We firmly reject attempts to undermine it,” aniya.

Kinilala rin ng chief executive ang mga sumusuporta sa Pilipinas kasunod ng paghahain kamakailan ng joint note verbale ng France, Germany at United Kingdom.

Inihayag doon ang pagtutol ng mga bansa sa pag-aangkin ng China sa malaking bahagi ng South China Sea. (CHRISTIAN DALE)

131

Related posts

Leave a Comment