CASH AID DISTRIBUTION BABANTAYAN NG PULIS

UMAPELA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga residenteng biktima ng bagyong Odette na huwag magalit at magtaka kung makakita man ng mga pulis na nakabantay sa mga gagawing pamamahagi ng tulong sa mga ito.

Hangad lamang ani Pangulong Duterte na maging maayos ang lahat sa pamamahagi ng tulong.

Aniya, hindi maiiwasang magposte ng mga magbabantay na mga pulis nang sa gayon ay maiwasan ang pagkakagulo at magkaroon ng crowd control.

“Don’t get angry that there will be policemen that will watch over you,” ayon sa Pangulo.

“This is to prevent any chaos. You know, it starts with a crowd control problem, but it could degenerate into a mob rule. So that’s what we’re trying to prevent,” dagdag na pahayag nito.

Sa kabilang dako, nakiusap naman ng kooperasyon ang Chief Executive sa mga tatanggap ng tulong.

“So the only thing we need now is your cooperation. We in government are ready. We are ready to provide the money. So what we’re aiming for now is a peaceful implementation because everyone will get their fair share anyway,” ang pahayag ng Punong Ehekutibo.

May listahan na aniya ang DSWD ng mga kuwalipikadong beneficiaries. (CHRISTIAN DALE)

289

Related posts

Leave a Comment