SA gitna ng malawak na epekto ng panibagong kalamidad sa bansa, iginiit ni Senador Jinggoy Estrada ang pangangailangang makapaglatag ang gobyerno ng long-term strategies at practical solutions upang mabawasan ang panganib na dala ng iba’t ibang kalamidad. Kaya naman, isinusulong ng senador ang panukalang pagbuo ng Department of Disaster Resilience o DDR isang ahensya na pag-iisahin, palalakasin at isasaayos ang disaster preparedness, response, at recovery efforts. Iginiit din ni Estrada ang pagsasabatas ng Disaster Food Bank and Stockpile para sa pagbuo ng nationwide network ng food banks at relief supplies…
Read MoreCategory: BALITA
821 PAMILYA SA MAYNILA INILIKAS SA BAHA
UMABOT sa 821 pamilya ang inilikas ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ng Manila Department of Social Welfare (MDSW), dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan at pagtaas ng tubig-baha sa lungsod dulot ng masamang panahon. Sa pahayag ni MDSW Director Jay Reyes Dela Fuente, karamihan sa inilikas na mga pamilya ay inabot ng tubig-baha ang loob ng kanilang bahay. Nasa 2,823 na indibidwal ang nananatili sa evacuation centers tulad ng sports complex, barangay hall, pampublikong paaralan, multi-purpose hall, at covered court. Karamihan sa inilikas ay mga nakatira sa gilid ng estero…
Read MoreSa malaking bahagi ng Luzon ngayong Miyerkoles PASOK SA ESKWELA, TRABAHO SUSPENDIDO
(CHRISTIAN DALE) MULING sinuspinde ng Malakanyang ang pasok sa trabaho sa gobyerno at klase sa lahat ng antas sa Metro Manila at malaking bahagi ng Luzon ngayong Miyerkoles, Hulyo 23, 2025, bunsod na rin ng patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan na dala ng Southwest Monsoon. Epektibo ang kautusan sa mga lalawigan ng Pangasinan, Zambales, Tarlac, Bataan, Pampanga, Bulacan, Cavite, Batangas, Rizal, Occidental Mindoro, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Quezon, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, Masbate, Sorsogon, Albay, Camarines Sur, Catanduanes, Palawan, Antique, Aklan, Capiz, Iloilo, Guimaras, Abra, Mountain…
Read MoreEstero, ilog nagbara sa basura PAGIGING DUGYOT SINISI SA PAGBAHA
ISINISI ni Senador Loren Legarda sa kawalan ng disiplina ng marami ang malawakang pagbaha sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa dulot ng matinding pag-ulan dala ng Habagat. Sinabi ni Legarda na puno ng basura ang mga daluyan ng tubig tulad ng mga kanal, estero at maging mga ilog. Bukod dito, tinayuan na rin ng mga bahay, gusali at iba’t ibang istruktura ang waterways kaya’t hindi makadaloy nang maayos ang tubig. Binanggit din ng senador ang walang disiplinang pagtatapon ng mga basura sa dagat mula sa mga dumaraang…
Read MoreP360-M AKAP FUNDS PAGPAPARTEHAN NG 36 CONGRESSIONAL DISTRICTS
MAKATATANGGAP ng tig-sampung milyong piso na Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) funds at family food packs ang 36 congressional district para sa kanilang mga constituent na naapektuhan ng Bagyong Crising. Ayon kay Leyte Rep. Martin Romualdez, may kabuuang P360 million na halaga ng AKAP ang inilabas ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kasunod ng direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na tulungan ang mga biktima ng bagyo. “This is just the beginning of our coordinated disaster response. Malayo pa ang mararating ng tulong na…
Read MoreMaltese citizenship patunayang wala nang bisa VACC KAY GIBO: RESIBO O RESIGN
TILA hinahamon ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) si Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro Jr. na ipakita sa publiko ang lahat ng opisyal na dokumentong nagpapatunay na legal niyang tinalikuran ang pagiging mamamayan ng Malta—o agad na lisanin ang kanyang pwesto. Sa isang opisyal na pahayag nitong Martes, nanawagan si VACC President Arsenio “Boy” Evangelista kay Teodoro na patunayan ang pagsunod niya sa Republic Act No. 9225 (Citizenship Retention and Reacquisition Act of 2003) at sa Implementing Rules and Regulations nito. Binigyang-diin ni Evangelista na hindi ito personal o…
Read MoreABOGADO PINABUBUWAG SENADO: MATIRA NA LANG SI RISA
NANAWAGAN ang isang abogado na buwagin na lang ang Senado at itira si Senadora Risa Hontiveros kasunod ng isyu ng umano’y budget insertion sa Senado. Sa isang post sa X (dating Twitter), sinabi ni Jesus Falcis, na maaari namang buwagin ang Senado, bukod kay Hontiveros, dahil pareho lang ang tungkulin nito sa Kamara. “Abolish pork barrel or abolish Senate? Charot! Open bicam proceedings muna para walang secret budget insertions,” wika ni Falcis sa kanyang post. “Pero pwede din abolish Senate – except for Senator Risa Hontiveros, karamihan diyan redundant lang…
Read MoreMuling pag-upo ni Yedda Romualdez MOCKERY NG ELECTORAL PROCESS
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) TILA babala ang pahayag ni election lawyer na si Atty. Romulo Macalintal na magkakaroon ng “mockery” sa electoral process ng bansa kung hindi kukuwestyunin sa Korte Suprema o sa House of Representatives Electoral Tribunal (HRET) ang naging desisyon ng Commission on Elections (Comelec) na payagan si Yedda Romualdez na umupo bilang third nominee ng Tingog Party-list sa papasok na 20th Congress gayung natapos na nito ang kanyang 3 consecutive terms bilang kongresista. Si Yedda, asawa ni House Speaker Martin Romualdez ay unang naging Leyte District Representative…
Read MorePAMILYA NG DRUG WAR VICTIMS INIINSULTO NI SARA
INIINSULTO umano ni Vice President Sara Duterte ang pamilya ng mga biktima ng war on drugs matapos palabasin na ang kaso ng kanyang ama ay base sa mga marites o tsismis lang. Kasabay nito, itinanggi ni Zambales Rep. Jay Khonghun ang alegasyon ng Pangalawang Pangulo na nakipagsabwatan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa International Criminal Court (ICC) para mapaalis sa Pilipinas ang kanyang numero unong kritiko na ang tinutukoy ay ang kanyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte. “Tsismis ba ang libo-libong patayan? Tsismis ba ang luha ng mga nanay…
Read More