ISASAILALIM sa pagsusuri ang penmanship ng malalapit na tauhan ni Vice President Sara Duterte sa Office of the Vice President (OVP) para malaman kung isa sa kanila ang hinahanap na “Mary Grace Piattos”. Napag-alaman ito sa chair ng nasabing komite na si Manila Rep. Joel Chua sa press conference kahapon, kaugnay sa kaso ng “Mary Grace Piattos” na may P1 million pabuya sa makapagbibigay na impormasyon at makapagtuturo kung saan ito matatagpuan. “Kino-consider na rin po namin sa mga penmanship (ng mga taga-OVP) para mai-submit sa mga expert,” ani Chua.…
Read MoreCategory: BALITA
Paalala sa mga nasa gobyerno CHRISTMAS PARTY SIMPLEHAN LANG
(CHRISTIAN DALE) HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang lahat ng ahensya ng pamahalaan na iwasan ang marangyang pagdiriwang ngayong Pasko bilang pakikiisa na rin sa libo-libong Pilipino na nagdurusa dahil sa sunod-sunod na bigwas ng bagyo sa bansa. Sa isang kalatas, sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na walang dahilan para magpalabas pa ng kautusan dahil naniniwala at nagtitiwala sila sa kabutihan ng government workers na “can unilaterally adopt austerity in their celebration.” “Alinsunod sa panawagan ng ating Pangulo, hinihikayat namin ang lahat ng ahensya ng pamahalaan na iwasan…
Read MoreP750-M IMPRASTRAKTURA, P40-M POWER SUPPLY NAWASAK SA 4 BAGYO
UMAASA ang National Risk Reduction and Management Council na gaganda na ang panahon hanggang sa susunod na linggo, ayon sa pagtataya ng state weather bureau, kaya agad naglunsad ng Rapid Damage Assessment and Needs Analysis (RDANA) ang Office of Civil Defense (OCD) sa apektadong mga lugar at rehiyon na dinaanan ng Super typhoon Pepito, ang panghuli sa hilera ng apat na bagyo tumama sa Luzon. Ayon sa PAGASA, posibleng gumanda na ang panahon hanggang sa susunod na linggo bagama’t may posibilidad na isa hanggang dalawang sama ng panahon ang tatama…
Read MoreOBRERO TIMBOG SA STATUTORY RAPE
ARESTADO ng mga operatiba ng Manila Police District sa General Trias City, Cavite noong Lunes ng hapon ang isang 33-anyos na construction worker na suspek sa statutory rape. Kinilala ni Police Lieutenant Colonel John Guiagui, chief ng District Investigation Division II (DID), ang suspek na si alyas “Valentine Jr.”, ng nasabing lugar. Base sa report ni Police Master Sergeant Jervy Aguilar, dakong alas-2:40 ng hapon nang damputin ang suspek sa nabanggit na lugar dahil sa kasong statutory rape. Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni…
Read More2 HVIs ARESTADO SA BUY-BUST
CAVITE – Tinatayang halos kalahating milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa dalawang umano’y tulak na kapwa high value individuals (HVIs) ng pulisya, sa isinagawang buy-bust operation sa bayan ng Silang noong Lunes ng hapon. Kinilala ang dalawang naaresto na sina alyas “Ed John” at “Ryan”, kapwa nasa listahan ng HVIs ng pulisya. Ayon sa ulat, bandang alas-5:00 ng hapon, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) Cavite Police Provincial Office (PPO) at mga operatiba ng Silang Municipal Police, sa Brgy. Bulihan, Silang,…
Read MoreTUMATAWID SA KALSADA, PATAY SA BUNDOL
CAVITE – Hindi umabot nang buhay sa ospital ang isang lalaki nang masagasaan ng isang babaeng driver ng isang Toyota Fortuner habang tumatawid sa bayan ng Silang noong Lunes ng hapon. Isinugod pa sa Carsigma Hospital ang biktimang si John Cyrus Catarungan y Pugoy subalit idineklarang dead on arrival dahil sa malalang sugat sa ulo at katawan. Kinilala naman ang driver ng Toyota Fortuner na may plakang NHM 52433, na si alyas “Nina”. Ayon sa ulat, dakong alas-5:30 ng hapon nang mangyari ang insidente habang minamaneho ng suspek ang kanyang…
Read MoreLALAKI NATABUNAN NG LUPA SA QUARRY SITE
QUEZON – Patay ang isang quarry worker nang matabunan ng gumuhong lupa sa quarry site sa bayan ng Tagkawayan noong Sabado. Kinilala ang biktimang si Ramil Garing Hernandez, 48-anyos, residente ng Brgy. Mapulot. Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-10:00 ng umaga noong Sabado, kasama ang kapatid nito at isa pang katrabaho, nakatayo ang mga ito sa gilid ng tinitibag na bundok sa Sityo Labak, Barangay Mapulot, nang biglang gumuho ang lupa na nasa humigit kumulang 30 feet ang taas at natabunan ang biktima. Agad itong ni-rescue ng mga kasama…
Read MoreDOJ Files Criminal Charges for Falsification of Public Document Against Mexico, Pampanga Official
San Fernando, Pampanga — The Office of the Provincial Prosecutor has formally charged Rex De Leon Calma, a member of the Sangguniang Bayan of Mexico, Pampanga, with falsification of a public document, in violation of Article 172 in relation to Article 171 of the Revised Penal Code (RPC). The case, docketed under NPS No. III-12-INV-24H-01237, was filed on August 27, 2024, following the discovery of falsified educational credentials submitted by Calma for his promotion to Supply Officer III in the Municipality of Mexico. The investigation revealed that Calma, while serving…
Read MoreECOP KINASTIGO NI REP. TULFO SA PAGTUTOL NA MAG-HIRE NG PWDs
SERMON ang inabot ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) kay ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo dahil hindi ito sang-ayon sa panukalang batas na mag-oobliga sa mga pribadong kumpanya na mag-hire ng persons with disabilities (PWDs). Ayon kasi sa House Bill 8941 na inihain ni Cong. Tulfo at mga kasama na sina Rep. Edvic Yap, Jocelyn Tulfo, Eric Yap, Ralph Tulfo, at Wilbert Lee kailangan mag-hire ng 2% ng workforce ng isang kumpanya na may 1,000 employees at 1% naman sa small businesses na may 100 or less na empleyado. Hindi…
Read More