KAPWA namatay ang live-in partners makaraang saksakin at paluin ng martilyo sa loob ng kanilang bahay sa Sta. Ana Manila noong Sabado ng umaga. Kinilala ang mga biktimang sina Elenita De Luna, 56, at Rodrigo Belocora, 68, kapwa residente sa naturang lugar. Base sa ulat ni Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District – Homicide Section, nadiskubreng patay na ang dalawa sa loob ng kanilang bahay dakong alas-6:40 ng umaga. Habang nakatakas naman ang umano’y suspek sa krimen na si Vanjo Tullalian, 32, at isa pang kasama nito.…
Read MoreCategory: BALITA
GOBYERNO NA LANG MAG-IMPORT NG BIGAS – TULFO
NAIS ni House Deputy Majority Leader Rep. Erwin Tulfo na tanging ang Department of Agriculture (DA) na lang ang mag-angkat ng bigas mula sa ibang bansa dahil hindi naman bumababa ang presyo ng imported rice sa merkado. “Binabaan na nga ng Pangulo ang taripa ng imported na bigas ng mga negosyante, pero ang presyo sa merkado nasa P50 to P60 pa rin ang kilo,” puna ni Cong. Tulfo. “Dont tell me walang saysay ang pagbaba ng taripa. So saan napupunta ang savings sa taripa? Dapat sa mga tao di ba?,”…
Read MoreOFW GETS HOUSE AND LOT DREAM
IBINIGAY nina Senator Cynthia Villar at Deputy Speaker ang symbolic key kay Mylene Chua ng Marikina City, isang OFW domestic worker mula sa Kuwait, na siyang nanalo ng Grand Prize na Camella house and lot sa ginanap na 13th OFW and Family Summit noong Nobyembre 8 sa Ang Tent sa Las Piñas City. Ina ng limang anak, hindi makapagsalitang tinanggap ni Mylene ang premyo at sinabing matagal na niyang pangarap na magkaroon ng sariling bahay. Ang iba pang dumalo ay umuwi na may iba’t ibang papremyo, kabilang ang mga appliances,…
Read MoreBUCOR’s 119TH FOUNDING ANNIVERSARY
THE Bureau of Corrections will commence tomorrow its weeklong celebration of the agency’s 119th Founding Anniversary with various activities lined up to mark this milestone occasion. With the theme “Correctional Advancement and Excellence: Celebrating Bucor’s legacy and future, the festivities will kick off with the mass promotion of 300 dedicated personnel while 138 uniformed and 19 civilian personnel will be sworn into office, said of Bucor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. The week’s lineup of events also includes a bazaar exhibit, Zumba dance competition, mini Olympic Games, medical…
Read MoreAFP PURSIGIDONG WAKASAN CPP-NPA INSURGENCY
PURSIGIDO ang Armed Forces of the Philippines na wakasan na ang mahigit 50 taong insureksyon na inilunsad ng Communist Party of the Philippine at ng kanilang amardong galamay, ang New People’s Army. Sa isang pulong balitaan, inihayag ni AFP chief of Staff General Romeo Brawner na seryoso ang kanilang pagsisikap na durugin ang nalalabing CPP-NPA Guerilla Front bago matapos ang taong ito. Ayon kay Brawner walang humpay ang ginagawang tactical at offensive operation ng military para ma-dismantle ang nalalabing apat na guerilla fronts sa bansa. Naniniwala si Brawner na napakaliit…
Read More3 TULAK SWAK SA P102K SHABU
CAVITE – Arestado ang tatlong indibidwal na pawang nasa listahan ng street level individuals (SLI) ng pulisya, makaraang makumpiskahan ng tinatayang P102,000 halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Dasmariñas City noong Huwebes ng gabi. Kinilala ng Dasmariñas Component City Police Station ang mga suspek na sina alyas “Rizaldy”, “Christopher”, at “Narel”. Ayon sa ulat, bandang alas-8:00 gabi, nagsagawa ng buy-bust operation mga operatiba ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) ng Cavite Police Provincial Office (PPO), at Dasmariñas CPS sa Sitio Humayao, Brgy. Langkaan 2, Dasmariñas City, Cavite…
Read More6-ANYOS HINALAY NG TIYUHIN
QUEZON – Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 11648 o statutory rape ang isang 42-anyos na construction worker matapos na halayin ang 6-anyos na batang babaeng anak ng kanyang hipag sa Brgy. Pilaway, sa bayan Infanta. Ayon sa report ng Infanta Police, nangyari ang panghahalay sa bahay mismo ng suspek dakong alas-6:00 ng gabi noong Huwebes. Batay sa imbestigasyon, pumasok ang bata sa kuwarto ng suspek para kumuha ng biscuit subalit nang palabas na ito ay pumasok din ang tiyuhin at inihiga ang biktima sa kama saka ginahasa. Pinalabas lamang…
Read MoreBULACAN NAGPADALA NG P2-M AYUDA SA BICOL, BATANGAS
LUNGSOD NG MALOLOS – Nagpaabot ng P2 milyong tulong pinansyal ang pamahalaang panlalawigan ng Bulacan para sa mga nasalanta ng bagyong ‘Kristine’ sa Bicol at Batangas. Sa virtual meeting ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management (PDRRM) Council na ipinatawag ni Gobernador Daniel Fernando, ipinasa ang tatlong resolusyon para sa nasabing halaga ng tulong na kukunin mula sa 2024 Local Disaster Risk Reduction and Management Fund. Sa rehiyon ng Bicol, kabilang sa tinukoy na bibigyan ng tulong pinansyal ang pamahalaang panlalawigan ng Albay at ang pamahalaang lungsod ng Naga. Ayon…
Read MoreHIGH SCHOOL STUDENT, TUMALON MULA 4TH FLOOR
CAVITE – Patay ang isang babaeng high school student makaraang tumalon mula sa ikaapat na palapag ng kanilang eskuwelahan sa General Trias City noong Huwebes ng hapon. Hindi naman binanggit sa ulat kung ilan taon at kung anong grade na ang biktimang estudyante ng Gov. Ferrer Memorial National High School. Isinugod ang biktima sa Gen Trias Medicare Hospital ngunit hindi umabot nang buhay. Ayon sa ulat, nakitang umakyat ang biktima sa ikaapat na palapag ng isang gusali ng kanilang paaralan sa Brgy. Pinagtipunan, Gen. Trias City Cavite, at naglakad sa…
Read More