SUMABAK sa serye ng fleet maneuvers at live-fire exercises ang mga tauhan ng Philippine Navy Western Naval Command at nakipagsabayan sa kanilang navy counterparts mula sa Estados Unidos, Canada, Japan at France kaugnay sa SAMASAMA 2025 joint naval war games na ginanap sa Puerto Princesa City sa Palawan. Sa ilalim ng Naval Task Group 44.1, lumahok sa live-fire gunnery exercises ang USS Cincinnati, HMCS Max Bernays, BRP Antonio Luna, BRP Ramon Alcaraz, BRP Valentin Diaz, BRP Lolinato To-Ong, at USS Sprue na nagpapakita ng kani kanilang High-Intensity Naval Firepower and…
Read MoreCategory: BALITA
𝐏𝐫𝐞𝐩𝐚𝐫𝐞 𝐟𝐨𝐫 ‘𝐔𝐧𝐝𝐚𝐬’ 𝐞𝐱𝐨𝐝𝐮𝐬, 𝐂𝐡𝐚𝐢𝐫𝐦𝐚𝐧 𝐌𝐞𝐧𝐝𝐨𝐳𝐚 𝐨𝐫𝐝𝐞𝐫𝐬 𝐋𝐓𝐅𝐑𝐁 𝐑𝐃𝐬, 𝐭𝐫𝐚𝐧𝐬𝐩𝐨𝐫𝐭 𝐜𝐨𝐦𝐩𝐚𝐧𝐢𝐞𝐬
In line with the instruction of President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. to ensure passenger comfort and safety, the Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), under the guidance of Department of Transportation (DOTr) Secretary Giovanni Z. Lopez, ordered all regional directors to start conducting inspections on all bus and other transport terminals in preparation for the influx of passengers for the All Saints and All Souls Days on November 1 and 2. LTFRB Chairman Atty. Vigor D. Mendoza II said all bus companies and transport operators were also instructed…
Read MoreDTI tiniyak ang balanseng pagtingin sa UFCC, Umaasang maibaba ang planong pagpataw ng safeguard duty sa pag-angkat ng semento
Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na isasaalang-alang nito ang kapakanan ng mga mamimili, lokal na industriya, at iba pang sektor kaugnay ng planong pagpapataw ng taripa sa imported na semento. Ito ay kasunod ng panawagan ng isang consumer group na huwag ituloy ang nakatakdang taripa na, ayon sa kanila, magtutulak sa pagtaas ng presyo ng mga materyales sa konstruksyon. Ayon sa DTI, layon ng taripa na maprotektahan ang mga lokal na manufacturer laban sa labis na pag-angkat ng semento na maaaring makasama sa lokal na produksyon. Gayunman,…
Read MoreSa kawalan ng tulay sa tinatawirang ilog 100 ESTUDYANTE NAGPALIPAS NG MAGDAMAG SA PAARALAN
PINAMAMADALI ngayon ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) ang konstruksyon ng tulay sa Barangay Pisompongan, Zamboanga del Sur sa ilalim ng Payapa at Masaganang Pamayanan (Pamana) program. Ito’y matapos ma-trap ang humigit-kumulang 100 mag-aaral ng Pisompongan Integrated School (PIS) matapos lumaki ang ilog na kanilang tinatawid pauwi, kasabay ng malakas na agos ng tubig noong Martes ng hapon. Dahil sa peligro, nagpasya ang mga guro na huwag na silang pauwiin at manatili na lang sa loob ng paaralan para sa kanilang kaligtasan. Ayon kay…
Read MoreP6.3-M MARIJUANA PLANTATION WINASAK NG PDEA, PNP
MAHIGIT P6.36 milyong halaga ng mga tanim na marijuana ang binunot at sinunog ng mga awtoridad sa isinagawang joint marijuana eradication ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug enforcement Agency at Philippine National Police sa Barangay Kayapa, Bakun, Benguet noong Martes. Pinangunahan ng Philippine Drug Enforcement Agency – La Union Provincial Office (PDEA LUPO) ang operasyon sa pakikipagtulungan ng Bakun Police Station. Katuwang din sa operasyon ang mga tauhan ng PDEA Pangasinan Provincial Office (PDEA PangPO), PDEA Baguio/Benguet Provincial Office (PDEA BBPO), at Benguet Police Provincial Office – Provincial Drug…
Read More4 SASAKYAN NAREKOBER NG PNP-HPG SA RENT-TANGAY
NAREKOBER ng Philippine National Police-Highway Patrol Group ang apat na sasakyang sangkot sa rent-tangay, talon-casa at pasalo schemes, sa Central Luzon. Ayon kay Acting Director PCol. Hansel Marantan, ikinasa ang magkakahiwalay na operasyon sa Bulacan, Bataan, Pampanga at Nueva Ecija. Narekober ang mga sasakyan na kinabibilangan ng Toyota Vios sa Bataan, dalawang sasakyan sa Pampanga at isang Mitsubishi Strada sa Nueva Ecija na may P1.25 milyong hindi nabayarang utang sa bangko. Samantala, pinaalalahanan ng HPG ang publiko laban sa mga pekeng transaksyon sa pagbili o pagpapasalo ng sasakyan. Hinikayat din…
Read More71% NG PINOY UMAASANG MAY MAKUKULONG SA MGA SANGKOT SA FC SCANDAL
NASA tatlo ng apat na bahagi ng populasyon o 71 percent ng mga Pinoy ang umaasang may maparurusahan at makukulong sa hanay ng mga korap na politiko at kanilang mga kasabwat sa multi billion flood control corruption scandal, ayon sa inilabas na pag-aaral ng Pulse Asia kahapon. Sa nasabing pag-aaral, halos lahat ng mga Pilipino o 90 porsyento ang naniniwala na may sabwatan sa pagitan ng executive officials, mga mambabatas at mga pribadong contractors sa usapin ng multibillion-peso flood control anomaly. Base rin sa isinagawang survey ng Pulse Asia, halos…
Read MorePara pagtakpan si Marcos – Chavit FLOOD CONTROL ANOMALY PROBE ‘BINABABOY’ NG GOBYERNO
NILILIHIS at binababoy ng gobyerno ang imbestigasyon sa multi-billion peso flood control anomaly upang pagtakpan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Ito ang maanghang na pinakawalan ni dating Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson sa isang talakayan sa Kamuning Bakery Café sa Quezon City nitong Lunes. Diretsahang sinabi ni Singson na walang patutunguhan ang bagong likhang Independent Commission for Infrastructure (ICI) dahil ito raw ay “peke at diversionary tactic” lamang upang iligaw ang publiko at mailayo ang isyu sa mga opisyal ng gobyerno na sangkot sa korupsyon. “Walang mangyayari. Bakit…
Read MoreRomualdez bilang state witness BIGGEST JOKE OF THE CENTURY – PULONG DUTERTE
(BERNARD TAGUINOD) “BIGGEST joke of the century.” Ganito binansagan ni Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte ang kumakalat na balitang posibleng maging state witness si dating House Speaker Martin Romualdez kaugnay ng umano’y anomalya sa flood control projects ng gobyerno. Bago pa man humarap si Romualdez sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) kahapon, lumabas ang impormasyon na nagsasabing mula umano sa Leyte — kung saan kongresista ang dating Speaker — ang ikinokonsiderang state witness, batay sa pahayag daw ni Ombudsman Boying Remulla. Agad naman itong pinabulaanan ng tanggapan ni Remulla,…
Read More