IPAGBABAWAL na sa mga pulis ang pagtokhang at pagkakaroon ng tinatawag na drug list sa mga taong nalululong sa ilegal na droga kapag naging batas ang isang panukala na inihain kahapon sa Kamara. Sa House Bill (HB) 11004 na tatawaging “Kian Bill”, na iniakda ni Akbayan party-list Rep. Perci Cendaña, isinusulong nito na ang pagkakaroon ng makataong solusyon sa problema sa ilegal na droga. Ang nasabing panukala ay isinunod sa pangalan ng 17-anyos na si Kian delos Santos na pinatay ng tatlong pulis sa Caloocan City noong 2017 na kalaunan…
Read MoreCategory: BALITA
REP. NOGRALES: MAS MARAMING TRABAHO PARA SA PILIPINO
(JOEL O. AMONGO) BINIGYANG-DIIN ng chair ng House of Representatives labor and employment committee noong Huwebes ang pangangailangan ng bansa na maging handa sa paglikha ng mas maraming trabaho sa mga Pilipino. “A business-ready climate will attract both the foreign and local private sector to set up shop in the country, thus generating jobs for our people and spurring the economy,” ani Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles. “Both the national and local government should prioritize addressing issues that hamper the ease of doing business, dagdag pa ni Nograles. Ang…
Read MoreMANILENYO HINIMOK PAIRALIN RESPONSIBLE PARENTHOOD
NANAWAGAN ngayon ang pamahalaang Lungsod ng Maynila para sa pagpapairal ng responsible parenthood kaugnay sa pagdiriwang ng ‘National Children’s Month’. “Bilang ina ng Lungsod, ako ay nananawagan sa lahat ng mga magulang at sa mga nagpaplanong maging magulang, na sa bawat maligayang sandali ng inyong pakikipagniig, nawa’y maisip ninyo nang mabuti ang katuwang na responsibilidad sa mga magiging bunga ng inyong pagmamahalan.” Panawagan ito ni Manila Mayor Honey Lacuna sa pagiging responsableng magulang matapos pangunahan ng lungsod ang pagdiriwang ng National Children’s Month. “Ang pagmamalasakit ng inyong pamahalaan ay lagi…
Read MoreVILLAR MULING ISINUSULONG EARLY BREAST CANCER DETECTION AND AWARENESS SA PILIPINAS
SA kanyang mensahe sa Breast Cancer Awareness Seminar na ginanap sa Las Piñas, binigyang diin ni Senadora Cynthia Villar ang pangangailangan ng mas mataas na kamalayan at maagang pagtuklas ng Breast Cancer sa mga pasyente. Ayon sa Senadora, dapat palawigin ang “health vigilance” ng bawat isa, bilang tugon sa tumataas na mga kaso ng breast cancer dito sa ating bansa. “Health is wealth,” ika nga, kaya mahalaga na bigyan natin ng panahon ang ating kalusugan. Dapat lagi tayong naka-alerto sa mga early signs and symptoms ng mga nakakabahalang sakit, kasama…
Read MoreUHC LAW ‘DI NARAMDAMAN NG PHILHEALTH MEMBERS
HINDI naramdaman ng mga miyembro ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang Republic Act (RA) 11223 o “Universal Healthcare (UHC) Act” limang taon matapos itong ipatupad. Halos ganito ang idinahilan ni Rep. Wilbert Lee, miyembro ng minorya sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kaya naghain ito ng panukalang batas para amyendahan ang nasabing batas upang hindi mabaon sa utang ang mga Pilipino kapag may nagkakasakit sa kanilang pamilya. “Ilang taon na mula nang naisabatas ang Universal Healthcare Act pero nandyan pa rin ang matinding pangamba ng mga Pilipino sa pagkakasakit dahil…
Read MoreSALVAGE VICTIM ITINAPON SA GILID NG KALSADA
CAVITE – Hinihinalang biktima ng summary execution ang natagpuang bangkay ng isang lalaki sa gilid ng kalsada ng Governor’s Drive, Brgy. Tanauan, sa bayan ng Tanza noong Linggo ng umaga. Ayon sa ulat, bandang alas-9:30 ng umaga nang makatanggap ng tawag ang Paradahan Outpost hinggil sa natagpuang bangkay ng isang hindi kilalang lalaki sa gilid ng kalsada sa nasabing lugar. Hinihinalang may ilang oras nang patay ang biktima na binalutan ng packaging tape ang mukha at pinaniniwalaang itinapon lamang doon upang iligaw ang mga imbestigador. Hindi naman nabanggit sa report…
Read MoreLABORER PATAY SA PAMAMARIL SA CANDELARIA, QUEZON
QUEZON – Patay ang isang 30-anyos na laborer sa pamamaril ng dalawang hindi nakilalang mga suspek sa Brgy. Malabanban Sur, sa bayan ng Candelaria noong Sabado ng gabi. Kinilala ang biktimang si Daniel Castillo Aguilar, tubong GMA, Cavite at residente ng lugar. Ayon sa report, nakatayo sa harap ng sari-sari store ang biktima sa San Juan-Candelaria road at bumibili ng soft drinks nang biglang dumating ang dalawang lalaki at siya ay pinagbabaril dakong alas-7:45 ng gabi. Tinamaan ito sa iba’t ibang bahagi ng katawan na agad nitong ikinamatay. Pagkaraan ay…
Read MorePRESO TUMAKAS SA CAVITE PROVINCIAL JAIL
CAVITE – Nagsasagawa ng manhunt operation ang mga operatiba ng Cavite Provincial Jail makaraang tumakas sa kulungan ang isang person deprived of liberty (PDL) sa Trece Martires City noong Linggo ng madaling araw. Kinilala ang tumakas na PDL na si alyas “Jayson” may kasong paglabag Sec. 5 at 11 ng Article 11 ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at carnapping case sa Laguna. Ayon sa ulat ni PG II Unica Nica C, Diaz, team supervisor, bandang ala-1:44 ng madaling araw noong Linggo nang tumakas ang suspek sa…
Read MoreHIGH RANKING CTG REMNANT NAPATAY NG MILITAR
ISANG high-ranking Communist Terrorist Group leader ang inihabol sa Todos Los Santos ng mga tauhan ng Philippine Army, 12th Infantry (Lick-Ém) Battalion sa Sitio Hilwan, Manica, Libacao, Aklan. Kinilala ang napaslang na remnant ng CTG na si Alvin Panoy alias “Jake/Vinmar”, 30, mula sa Lemery, Iloilo. Si alias “Jake” ay dating Finance and Logistic Officer (FLO) ng Squad II, Igabon Platoon, Central Front Komiteng-Rehiyon Panay. Matapos ang sagupaan ay na-recover ang bangkay ni Panoy at dinala ito sa Navejas Funeral Home sa Libacao, Aklan at saka dadalhin sa kanyang tinitirhan…
Read More